Buhayin ang alaala at diwa na itinuro ni Pope Francis sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,847 total reads

Ito ang hamon ni Order of Friars Minor former definitor Fr. Cris Pine bilang patuloy na paggunita at pagsasabuhay sa mga iniwang pamana ng yumaong Santo Papa, lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Fr. Pine, hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, itinuro ni Pope Francis ang landas ng pagiging payak at mapagpakumbaba bilang tunay na landas patungo sa Diyos.

Paliwanag ng pari, isinabuhay ni Cardinal Jorge Mario Bergoglio ang kababaang-loob at pagmamalasakit sa kalikasan at kapwa, tulad ng halimbawa ni San Francisco ng Assisi–dahilan kaya ito rin ang kanyang piniling pangalan nang maging Santo Papa.

“‘Yung mga halimbawang ipinakita sa atin ni Pope Francis, ‘yun ang mas mahalaga natin—hindi lamang sariwain kundi talagang pagsumikapang isabuhay. Iyan nga rin ang ating advocacy, ang pagmamahal sa kalikasan,” pahayag ni Fr. Pine sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ni Fr. Pine na ayon sa yumaong Santo Papa, ang mga suliranin sa kapaligiran ay may kaugnayan sa mga usapin ng katarungang panlipunan.

Bilang tugon, isinulat ni Pope Francis ang ensiklikal na Laudato Si’ at ang apostolic exhortation na Laudate Deum, na parehong nagpapahayag ng babala–na ang mundo ay nasa bingit ng pagkasira, at sa kabila ng paulit-ulit na panawagan, nananatiling kulang ang naging tugon ng marami.

Paalala ni Fr. Pine sa lahat na seryosohin na ang pangangalaga sa inang kalikasan bilang pagpapatuloy sa adbokasiya at diwa ni Pope Francis, para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“Matapos niyang sulatin ‘yung Laudato Si, walong taon ang nagdaan, pero ang kanyang paanyaya na alagaan ang ating nag-isang tahanan ay seemingly falling on deaf ears. Siguro magandang pagnilayan natin, lahat ng mga kapanalig, seryosohin natin ang pangalaga sa kalikasan at buhayin natin ang alaala at diwa na itinuro sa atin ng ating mahal na si Pope Francis,” saad ni Fr. Pine.

Samantala, panawagan naman ni Fr. Pine sa mga mananampalataya na magkaisa sa pananalangin para sa nalalapit na conclave, upang ang pagpili ng bagong Santo Papa ay tunay na magabayan ng Banal na Espiritu.

Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa May 7, 2025, na gaganapin sa Sistine Chapel ng Vatican.

“Sa paparating na ‘cum clave’ ng ating College of Cardinals ay ang aking paanyaya o pakiusap sa buong sambayanan ng Diyos ay patuloy na magkaisa sa pagdarasal upang tunay tayong magabayan, lalo na ang ating mga kardinal na pipili ng ating panibagong Santo Papa, magabayan ng Banal na Espiritu at tayo din, ang buong simbahan,” dagdag ni Fr. Pine.

Sa kasalukuyan, 135 sa 252 mga cardinal sa buong mundo ang makalalahok sa pagpili ng bagong Santo Papa na magpapastol sa mahigit 1.4 bilyong katoliko.

Kabilang sa cardinal-electors mula sa Pilipinas sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Vatican Dicastery for Evangelization former Pro-Prefect, Luis Antonio Cardinal Tagle, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,033 total reads

 39,033 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,756 total reads

 74,756 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,026 total reads

 301,026 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,494 total reads

 194,494 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,426 total reads

 286,426 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,819 total reads

 151,819 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top