Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buksan ang mga paaralan sa medical frontliners, PUI’s at PUM’s

SHARE THE TRUTH

 364 total views

March 31, 2020, 10:16AM

Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) sa lahat ng mga kasaping paaralan na maging bukas sa pagtulong kaugnay na rin sa nararanasan ng bansa mula sa banta ng Coronavirus Disease o COVID 19.

Inihayag ni Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng CEAP-NCR na ito ay sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pasilidad ng paaralan para sa mga taong walang matuluyan, health workers maging sa mga itinituring na Persons Under Investigation (PUI’s) at Persons Under Monitoring (PUM’s).

“Open our school facilities to those who are homeless, to health workers and even to persons under investigation (PUI’s) and/or persons under monitoring (PUM’s) for them to have place for resting and recreation, and more importantly for reconnecting with the Lord,” ayon pa sa liham ni Fr. Que.

Mungkahi din ng pari sa lahat ng kasaping paaralan na paigtingin ang pananalangin ng komunidad tuwing alas-7 ng umaga, pagdarasal ng Rosaryo gayundin ang Oratio Imperata.

Ang CEAP-NCR ay binubuo ng 150 paaralan sa buong Metro Manila. Bukod sa pananalangin, hinihiling din ang pakikiisa ng mga guro, magulang ang mga estudyante na maging bahagi sa pagtulong sa mga mahihirap.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang pangunahing pangangailangan lalu’t marami ang hindi nakakapagtraho dahil na rin sa umiiral na community quarantine.

Ilang kasapi na rin ng mga katolikong paaralan maging ang mga kumbento ng mga religious congregations ang nagbukas bilang pansamantalang tahanan ng mga medical frontliners.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,049 total views

 5,049 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,636 total views

 21,636 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,005 total views

 23,005 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,679 total views

 30,679 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,183 total views

 36,183 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 8,553 total views

 8,553 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 13,598 total views

 13,598 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 13,598 total views

 13,598 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top