Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Business-as-usual culture” sa Pilipinas, napapanahon ng maalis

SHARE THE TRUTH

 2,701 total views

Suportado ng Living Laudato Si’ Philippines ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa inilabas na apostolic exhortation na Laudate Deum.

Layunin ng Laudate Deum na suportahan ang ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si’, at higit na ipaunawa ang mga dapat tugunan sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan mula sa labis na pang-aabuso at pinsala.

Ayon kay LLS Philippine executive director Rodne Galicha, kailangan nang matugunan at mahinto ang paulit-ulit na dahilan ng mga pinuno mula sa mga pampubliko at pribadong sektor na isinasantabi ang tungkuling pahalagahan ang kalikasan para sa pansariling kapakinabangan.

“Whether you listen to science, faith, or economics, they all say the same exact message: the current “business-as-usual” culture, marked by fossil fuels, pollution, prioritization of profit over people and planet, and more, will simply lead to catastrophes which any amount of neither money nor power would stop.” pahayag ni Galicha.

Inihayag naman ni Galicha ang kahalagahan ng paglipat at pamumuhunan sa malinis na enerhiya, at talikuran na ang fossil fuels na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran upang mapigilan ang tuluyang pag-init ng daigdig na nagreresulta sa krisis sa klima.

Iginiit din nito ang pagpapanagot sa mga industriyang nangunguna sa paglikha ng polusyon at pinsala sa kapaligiran tulad ng pagmimina, at pagsira sa kabundukan at kagubatan kaya higit pang lumalakas ang mga kalamidad at sakunang dumadaan sa bansa.

“This takes on an even greater significance for the Philippines, which experienced the wrath of super-typhoon Haiyan nearly ten years ago and changed how Filipinos and the rest of the world view [loss and damage] as an issue.” saad ni Galicha.

Panawagan din ni Galicha ang pangunguna ng simbahan sa nalalapit na United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit sa Dubai sa Nobyembre hanggang Disyembre upang makibahagi sa paglikha ng mga panuntunang magtataguyod laban sa pagbabago ng klima.

Isinapubliko ang Laudate Deum noong ikaapat ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ng patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Asis, at pagtatapos ng paggunita sa Season of Creation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 9,261 total views

 9,261 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 20,391 total views

 20,391 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 45,752 total views

 45,752 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 56,360 total views

 56,360 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 77,212 total views

 77,212 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Online gambling, kinundena ng CBCP

 5,668 total views

 5,668 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Listahan ng mga bagong opisyal ng CBCP

 13,912 total views

 13,912 total views Kasabay ng paghalal sa mga bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naghalal din ng mga bagong chairperson sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top