Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,877 total views

Kapanalig, sa ating bansa, ang buwis ang isa sa mga malaking aspeto ng trabaho na iniinda ng maraming Pilipino.

Wika nga ng marami nating kababayan, bago pa man mapasakamay natin ang perang pinagtrabahuhan, bawas na ito ng gobyerno. Ang budget natin para sa ating sarili at para sa ating pamilya ay bawas na, kaltas na.

Ayon sa mga eksperto, ang ating bansa ang isa sa may pinakamataas na buwis sa buong ASEAN region. Ang income tax ngayon sa ating bansa ay umaabot ng 32% para sa mga Pilipinong kumikita ng P500,000 o higit pa kada taon. Ang P500,000 kada taon ay katumbas ng Php38,000 na kita kada buwan, kasama ang 13th month pay. Kapanalig, ang halagang ito ay malayong malayo sa simple at komportableng buhay na ina-ambisyon ng maraming Pilipino. Ayon nga sa National Economic Development Authority noong Hunyo 2016, ang ganitong uri ng buhay ay nangangailangan ng P120,000 na kita kada buwan sa ating bayan. Sa halagang ito, may pag-asa tayong magkaroon ng simpleng bahay at sasakyan at masisigurado natin ang pondo para sa pagtatapos ng mga anak sa kolehiyo.

Kapanalig, sa liit ng budget ng karaniwang pamilyang Pilipino, at sa laki ng kaltas ng   buwis sa kanilang sahod, hindi ba’t tama lang na maibigay natin ang ating saloobin at opinyon ukol sa pinupuntahan ng budget ng bayan, na galing naman sa ating mga sariling pitaka?

Sa ngayon kapanalig, umaabot ng Php3.35 trillion ang proposed budget ng ating pamahalaan para sa 2017. Ang dasal ng maraming Pilipino, lalo na ng naghihikahos, ang budget sana na ito ay tunay na maramdaman ng mga tao.

Kaya’t nga’t marami ang umaasa hindi lamang para sa tax reform, kundi ang pag-gamit ng buwis sa tunay na pagbabago, gaya na lamang ng nakasaad sa mensahe ng ating Pangulo sa 17th Congress ukol sa ating budget para sa 2016. Ayon sa mensahe, ang budget ay para sa mamamayan at mula sa mamamayan, kaya nga’t  isa sa mga prinsipyo nito ay accountability to the people. Ang anumang impormasyon na nais nating malaman ukol dito ay ating makukuha sa bisa ng Executive Order o Freedom of Information law sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

Kapanalig, ang ating budget ay dapat maging repleksyon ng ating prayoridad bilang isang bansang nagkakaisa. Ang malaking porsyento nito ay dapat mailaan sa pagtaas ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Umaasa ang bayan na ngayon, madarama na natin ang mga benepisyo ng buwis na walang paltos na kinakaltas sa atin buwan buwan.

Ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay may gabay sa mga estado ukol sa buwis. Ang Rerum Novarum ay nagpapa-alala sa atin ng sentralidad ng tao sa lahat ng uri ng sistema ng pagbubuwis. Nawa’y ating dinggin: “Now a State chiefly prospers and thrives through moral rule, well-regulated family life, respect for religion and justice, the moderation and fair imposing of public taxes, the progress of the arts and of trade, the abundant yield of the land-through everything, in fact, which makes the citizens better and happier.  

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 27,445 total views

 27,445 total views Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 37,369 total views

 37,369 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 102,399 total views

 102,399 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 171,792 total views

 171,792 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 202,804 total views

 202,804 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 234,670 total views

 234,670 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 37,370 total views

 37,370 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 102,400 total views

 102,400 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 171,793 total views

 171,793 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »
Scroll to Top