Canonical coronation sa imahen ng Mater Dolorosa, isang biyaya sa Diocese of Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Itinuturing na isang biyaya ng Diocese of Tarlac ang pagkilala ng Vatican at pagpuputong ng korona sa imahen ng Nuestra Señora Delos Dolores De Capas o mas kilala bilang Mater Dolorosa.

Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, isang karangalan ang pagkilala ng Holy See sa imahen ng Mater Dolorosa matapos na aprubahan ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of Sacraments ang petisyon na inihain ng diyosesis noong October 1, 2020.

Ang pagpuputong ng korona sa Mater Dolorosa ay ang kauna-unahang imahe ng Mahal na Birhen ng Tarlac na binigyang pagkilala ng Vatican.

“It was my deepest honor as a Bishop of Tarlac to have petitioned to the Holy Father Pope Francis through the Congregation of Divine Worship and the Discipline of the Sacraments last July 2020 for the canonical coronation of the venerated image of the Mater Dolorosa in Barangay Dolores, Capas, Tarlac. The petition was granted last October 1, 2020 on the Feast of Saint Therese of the Child Jesus and of the Holy Face, giving the Diocese of Tarlac its very first Marian image to be canonically crowned.” pahayag ni Bishop Macaraeg.

Pinangunahan ng kinatawan ng Santo Papa ang Canonical Coronation ng imahe ng Nuestra Señora Delos Dolores De Capas ng Diocese of Tarlac na isinagawa sa San Sebastian Cathedral, Tarlac City.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, sa pamamagitan ng Nuestra Señora Delos Dolores De Capas o mas kilala bilang Mater Dolorosa ay mauuwi kalaunan sa kagalakan ang anumang kalungkutan at pighati na itataas ng bawat isa sa Mahal na Birheng Maria.

“We bring our own difficulties, our sorrows, and disappointments and place them at her feet knowing that through Mary our sorrows will be transformed eventually into joy because yes, Mary is a Mater Dolorosa she’s the Mother of Sorrows, she’s a sorrowful Mother and she’s also the Queen of Heaven.” Ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ni Archbishop Brown na hindi kailanman dapat na pagdudahan ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria lalo na sa oras ng kalungkutan at mga pagsubok sa buhay.

“We together with Mary have to bear our crosses, our sorrows but they will turn into joy because Jesus is the joy of our life and Mary is the mother of Jesus who brings that joy into the world.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ang 57-taong gulang na imahe ng Mahal na Birhen ay nakadambana sa Our Lady of Sorrows Parish na kalaunan ay tinaguriang Mater Dolorosa Parish sa Diocese of Tarlac.

Nagsimula ang debosyon sa Mater Dolorosa noong taong 1923 kung saan taong 2018 nang igawad sa imahe ang Episcopal Coronation.

Orihinal na nakatakda ang Canonical Coronation ng imahe ng Nuestra Señora Delos Dolores De Capas noong ika-31 ng Mayo ngunit kinailangang ipagpaliban kasunod ng 14 day mandatory quarantine si Archbishop Brown mula sa New York City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Krisis sa bukid at laot

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top