Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Canonization ni Blessed Carlos Acutis, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 20,912 total views

Ikinalugod ng grupo ng mga deboto ni Blessed Carlo Acutis sa Pilipinas ang pag-apruba ng Vatican sa kanyang canonization.

Ayon kay Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, Chairperson, Christoffer Denzell Aquino, SHMI, napapanahon ang pagkilala ng simbahan sa batang banal lalo’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng kasalukuyang henerasyon.

Sinabi ni Aquino na makatutulong ang pagkilala kay Beato Carlo para mabuksan ang kamalayan at mahimok ang mga kabataang tularan ang kanyang gawi na ginamit ang teknolohiya at internet sa pagpapalalim ng pananampalataya lalo na sa Eukaristiya.

“This is, in my humble opinion, the right moment for his canonization since young people are searching for models to imitate. To counteract the influencers who induce people to follow a more secular lifestyle: God through the Church proposes Carlo as a model of Christian holiness in the ordinariness of life,” pahayag ni Aquino sa Radio Veritas.

Aniya ito ay isang biyaya ng simbahan mula sa Panginoon lalo’t kinakailangan ngayon ng mundo ang mga huwarang tulad ni Beato Carlo na ginagamit sa wastong pamamaraan ang makabagong teknolohiya.

Nilinaw ni Aquino na ang pagtalaga ng simbahan sa beato upang makahanay sa mga banal ay paalala sa bawat mananampalataya na ang lahat ng binyagan ay maaring maging banal ng simbahan.

Umaasa ang Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines na ang canonization ni Beato Carlo ay magbigay pag-asa sa mananamapalataya lalo na sa mga kabataan upang gawing makabuluhan ang pamumuhay lalo na sa mundong umuusbong ang teknolohiya at internet.

“May Carlo’s canonization bring a new spark of hope, especially to young people to reexamine their lives and that they may have a more open ear and heart to listen to the voice of God who is constantly calling us towards him,” ani Aquino.

May 23, 2024 nang inanunsyo ng Vatican ang canonization ng beato makaraang aprubahan ni Pope Francis ang isang himala na iniugnay sa kanyang pamamagitan ng gumaling ang 21 taong gulang na si Valeria Valverde, ng Costa Rica dahil sa labis na pinsalang tinamo dahil sa bicyle accident noong 2022.

Hinimok ni Aquino ang mga kabataan na tingnan ang mga gawi ni Beato Carlo na pinaiigting ang pakikipag-ugnay kay Hesus sa pamamagitan ng Eukaristiya, debosyon sa Mahal na Birhen at mga banal.

Kilala si Beato Carlo na internet savvy at ginamit ang kakayahan para gumawa ng Eucharistic miracles exhibit na makikita online sa mga parokya sa buong daigdig na layong patotohanan at ipakilala si Hesus sa Banal na Eukaristiya.

Pumanaw ang beato noong October 12, 2006 sa edad na 15-taong gulang dahil sa leukemia kung saan habang nakaratay ay inialay nito kay Pope Benedict XVI at sa buong simbahang katolika ang kanyang mga paghihirap.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng FBCAP sa Diocese of Malolos ang relic ni Beato Carlo na ex corpore et ex capilis ay kaloob ng Diocese of Assisi at ng Associazione Amici di Carlo Acutis para sa pagpapalago ng debosyon ng batang banal dito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,136 total views

 25,136 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,224 total views

 41,224 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,889 total views

 78,889 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,840 total views

 89,840 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,828 total views

 31,828 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top