341 total views
Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Capiz Archbishop Jose Advincula kasama ang labing dalawang iba pa bilang mga bagong Cardinal ng simbahan.
Si Cardinal-elect Advincula ang pang-siyam na Cardinal ng bansa at ika-apat sa mga buhay pang Cardinal kabilang sina Cardinal Orlando Quevedo, Gaudencio Rosales at Luis Antonio Tagle-ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for Evangelization of People’s na nakabase sa Roma.
Ang 68-taong gulang na si Cardinal-elect Advincula at Cardinal Tagle ang dalawang tanging Cardinal ng Pilipinas na maaring maging bahagi ng ‘conclave’ o paghahalal ng bagong Santo Papa sakaling magkaroon ng sede vacante.
Sina Cardinal Quevedo at Cardinal Rosales ay kapwa higit na sa 80-taong gulang.
Si Cardinal-elect Advincula ay tubong Dumalag, Capiz at nagsilbing arsobispo ng Capiz simula taong 2012.
Siya rin ang kasalukuyang vice-chairman ng Committee on International Eucharistic Congress at ng Office on Women ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Bukod kay Cardinal Advincula, kabilang din sa mga itinalaga ng Santo Papa sa hanay ng mga Cardinal sina Washington Archbishop Wilton Gregory, Maltese Bishop Mario Grech-na una na ring naitalaga bilang secretary general ng Synod of Bishops noong Setyembre; Italian Bishop Marcello Semeraro-na itinalaga rin bilang Prefect of the Congregation for the Causes of Saints.
Ang 86-taong gulang na Italian Capuchin Fr. RAniero Cantalamessa na nagsiling Preacher ng Papal Household simula 1986; Santiago, Chile Archbishop Celestino Aos Braco; Riwanda Archbishop Antoine Kambanda at Brunei Bishop Cornelius Slim.
Bukod kay Cardinal-elect Cantalemessa, tatlo pang obispo ng simbahan ng ginawagan ng pagiging Cardinal na higit sa 80-taong gulang na sina Mexico, Bishop-emeritus Felipe Arizmendi Esguivel; UN Permanent Observer Archbishop-emeritus Silvano Maria Tomasi at Santa Maria Del Divino Parish priest Enrico Feroci.