Pagkahirang ng Santo Papa kay Cardinal Advincula, ikinatuwa ng isang opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Ikinatuwa ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Capiz Archbishop Jose Advincula bilang bagong Cardinal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos-Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ito’y isang napakagandang biyaya sa ating bansa.

Sinabi ng obispo na ang pagkakatalaga kay Archbishop Advincula ay nagpapahiwatig ng pag-asa, kasiyahan at kapanatagan sa bawat puso ng mananampalatayang Pilipino sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya.

“It is abundant blessing to our country, indeed immense grace to our church. We now have a Cardinal from Visayan region, a worthy gift to the universal church. Amidst this COVID-19 Pandemic, the appointment of Archbishop Jose Advincula is our sign of hope, source of joy and moment of comfort,” ang pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Tiniyak naman ng obispo ang pag-aalay ng panalangin at pakikipagtulungan kay Archbishop Advincula bilang bagong Cardinal ng bansa.

“We are grateful to our Holy Father and we accompany Jose Cardinal Advincula with our prayers and collaboration,” ayon sa obispo.

Si Cardinal-elect Advincula ang pang-siyam na Cardinal ng bansa at ika-apat sa mga buhay pang Cardinal kabilang sina Cardinal Orlando Quevedo, Gaudencio Rosales at Luis Antonio Tagle-ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for Evangelization of People’s na nakabase sa Roma.

Ang 68-taong gulang na si Cardinal-elect Advincula at Cardinal Tagle ang dalawang tanging Cardinal ng Pilipinas na maaaring maging bahagi ng ‘conclave’ o paghahalal ng bagong Santo Papa sakaling magkaroon ng sede vacante.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,835 total views

 24,835 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,840 total views

 35,840 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,645 total views

 43,645 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,206 total views

 60,206 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,941 total views

 75,941 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top