Cardinal Advincula, magtatayo ng mission stations

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Sa kabila ng pangamba sa bagong misyon sa simbahan bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila, tiwala si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa biyaya ng tulong mula sa Panginoon para sa malaking hamon ng paglilingkod.

Ito ang inihayag ni Cardinal Advincula sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

“Although sa gitna ng pagkakatakot nandiyan pa rin ang pananalig ang faith sa ating Panginoon na hindi niya ako pababayaan. Kung hinirang niya ako sa ganitong klaseng responsibilidad then bibigyan rin Niya ako ng mga grasya, ng mga tulong na aking kailangan para aking magawa ang aking mga katungkulan,” ayon kay Cardinal Advincula.

June 24 nang mailuklok ang cardinal sa Arkidiyosesis ng Maynila na may 350 mga pari, 89 na parokya at higit sa tatlong milyong mananamapalatayang katoliko.

Sa kauna-unahang pagkakataon bilang panauhin sa himpilan ay ipinahayag ng 69 na taong gulang na cardinal ang kaniyang pasasalamat sa mananampalataya at mga pari ng Maynila sa mainit na pagtanggap.

Ito rin ang naging pagkakataon ng mananampalataya na lubos pang kilalanin ang butihing pastol na dati ring naglingkod sa diyosesis ng San Carlos at Arkidiyosesis ng Capiz.

Sa kasalukuyan ay unting-unting binibisita ng Cardinal ang iba’t ibang nasasakop na parokya upang alamin ang mga suliranin na kinakailangan ng pagtugon.

Pinag-aaralan din ni Cardinal Advincula ang pagkakaroon ng mission stations sa Maynila o pagbuo ng mas maliliit na simbahan sa pamayanan.

“Dapat muna tingnan ko how many priests does Manila have. So, para makita din natin kung ilan ang posibleng gagawin kahit gradual lang mag-open ng parishes or mission stations,” ayon kay Cardinal Advincula.

Naniniwala rin si Cardinal Advincula na maraming mga batang pari ang maaring bigyan ng tungkulin sa mga parokya dahil na rin sa kanilang pagiging malikhain para maglingkod sa mananampalataya.

Si Cardinal Advincula ay kilala sa kaniyang adbokasiya sa paglikha ng mga mission stations at mission schools.

Sa San Carlos tatlong mission schools ang itinatag ng Cardinal sa mga malalayung bayan kabilang na dito ang Our Lady of Peace, Our Lady of the Mountain at ang Our Lady of the Lake.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,975 total reads

 12,975 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,229 total reads

 50,229 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 276,499 total reads

 276,499 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,966 total reads

 169,966 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,359 total reads

 263,359 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,432 total reads

 4,432 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top