Pagtatalaga kay Bishop Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total views

Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang obispo ng Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan.

Isasagawa ang pormal na pagluklok kay Bishop Pabillo sa ika – 19 ng Agosto ganap na alas nuwebe ng umaga sa St. Joseph the Worker Cathedral.

Ang pagtatalaga sa obispo ay kasabay ng kapistahan ni San Ezequiel Moreno isang misyonerong Agustinian Recollect na nagsilbi sa Palawan makaraang ordinahang pari sa Manila noong 1871.

Bukod pa rito ipagdiriwang din ni Bishop Pabillo sa nasabing araw ang ika – 15 anibersaryo ng pagiging obispo. Taong 2006 nang hirangin ni Pope Emeritus Benedict XVI si Bishop Pabillo bilang katuwang na obispo ng Maynila.

Makalipas ang halos 15 taon naging tagapangasiwa ang obispo sa arkidiyosesis makaraang italaga Si Cardinal Luis Antonio Tagle sa iba’t ibang tanggapan sa Vatican noong Disyembre 2019.

Habang Hunyo 29, 2021 nang hirangin ni Pope Francis si Bishop Pabillo bilang pinunong pastol sa Taytay Palawan kahalili ni Bishop Edgardo Juanich na nagretiro noong 2018 dahil sa usaping pangkalusugan.

Matutunghayan ang installation ni Bishop Pabillo sa The Manila Cathedral, TV Maria At Radyo Veritas PH habang ito rin ay mapakikinggan sa Radyo Veritas 846.

Bukod ky Cardinal Advincula dadalo rin sa solemn installation ni Bishop Pabillo si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown at iba pang obispo ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 109,054 total views

 109,054 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 139,277 total views

 139,277 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 165,925 total views

 165,925 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 260,898 total views

 260,898 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 274,872 total views

 274,872 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top