LASAC, naka blue alert sa sitwasyon ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 592 total reads

Nakataas pa rin sa blue alert status ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) kaugnay sa patuloy na pagliligalig ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon kay LASAC Director Fr. Jayson Siapco, isa sa mga kapansin-pansin sa aktibidad sa bulkan nitong nakalipas na linggo ay nakitaan ito ng mga pumice o lumulutang na mga bato mula sa bulkan sa ibabaw ng lawa.

Ipinaliwanag ni Fr. Siapco na maaaring nabuo ang mga pumice dahil sa volcanic eruption na naganap noong unang araw ng Hulyo o posible ring nagmula sa underwater eruption.

“Dalawa po ang teorya na pinag-uusapan tungkol dito. Maaaring una, ito ay galing talaga sa volcanic eruption noong July 1, dahil umulan naanod papuntang lawa. Pero ang isa pong theory na pinag-uusapan ay maaaring nagkaroon ng underwater eruption. Kaya mayroong mga lumulutang na… hindi lang po maliliit na bato, mayroon pong mga malalaking bato,” ayon sa pahayag ni Fr. Siapco.

Samantala, patuloy rin ang panawagan ng LASAC sa mga nais magpaabot ng donasyon at tulong para sa mga residente at pamilyang nasa mga evacuation centers.

Higit na kailangan ng mga evacuees ang N95 facemasks; hygiene kits, partikular na ang sabon at alcohol; washable mattress, kumot, at towels; solar lamps; mga gamot para sa ubo at sipon; at mga masusustansiyang pagkain.

Ito’y dahil ayon kay Fr. Siapco, nais nilang matiyak na ligtas ang mga evacuees sa evacuation centers laban sa banta ng panganib dulot ng aktibidad ng bulkan, gayundin sa iba’t ibang mga karamdaman.

“Tatlo po ang binabantayan natin sa evacuation centers. Sila’y pinag-iingat, una, sa pagsabog ng Bulkang Taal, ikalawa’y sa COVID-19, at ikatlo ay sa Dengue,” pagbabahagi ni Fr. Siapco.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakataas pa rin sa alert level 3 status ang Bulkang Taal, kung saan naitala ang 10 volcanic earthquakes, kabilang na ang siyam na mga pagyanig na tumagal ng isa hanggang anim na minuto.

Naitala rin ngayon ang pinakamababang antas ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan na umabot sa 2,441 tonelada kada araw, kumpara kahapon na umabot sa 5,466 tonelada kada araw ang ibinugang usok.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal patungo sa Taal Volcano Island at high-risk barangays sa Agoncillo at Laurel, Batangas.(nichael)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 14,800 total reads

 14,800 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 51,957 total reads

 51,957 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 278,227 total reads

 278,227 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 171,694 total reads

 171,694 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 264,988 total reads

 264,988 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,753 total reads

 150,753 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top