Cardinal Advincula, nagbigay pugay sa mga bayani ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Kinilala ng Archdiocese ng Maynila ang malaking ambag ng mga bayani sa pagtatanggol sa bayan at maging ang itinuturing na bagong bayani sa kasalukuyang panahon.

Ito ang mensahe ni Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng National Heroes Day nitong August 30.

Nagbigay pugay ang Cardinal sa mga indibidwal na patuloy sa paglilingkod sa bayan sa gitna ng matinding panganib dala ng coronavirus pandemic.

“Sa panahong ito ng pandemya, itinuturing din nating bayani ang mga frontliners, lalo na ang mga medical workers. Sa ating paglaban sa Covid-19 virus, sila ay tunay na mga bayani. Ang buong bayan ay nagpapasalamat sa inyo,” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng arsobispo ang sakripisyo lalo na ng mga healthcare workers na pangunahing tumutugon sa lumalalang pandemya kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng virus.

Sa mahigit 200 milyong nahawaan sa buong mundo halos dalawang milyon ay mula sa Pilipinas kung saan higit sa 30-libo na ang nasawi.

Bukod dito kinilala rin ni Cardinal Advincula ang mga uring manggagawa sa iba’t ibang sektor na nagsusumikap itaguyod ang kanilang pamilya at nakatutulong sa patuloy na paggalaw ng ekonomiya ng bansa na labis naapektuhan ng pandemya.

“Kinikilala din natin ang kabayanihan ng mga “bagong bayani,” ang mga tahimik na naglilingkod para sa ikabubuti ng iba, katulad ng ating mga OFWs at mga laborers sa iba’t ibang industriya,” ani ng cardinal.

Sa muling pagsailalim ng National Capital Region at ilang lalawigan sa pinakamahigpit na uri ng lockdown halos kalahating milyong manggagawa ang pansamantalang nawalan ng pagkakitaan.

Ayon naman sa tala ng WorldRemit Philippines nakitaan ng paglago ang OFW Remittance ngayong taon ng hanggang pitong porsyento makaraang tumaas sa mahigit 13 bilyong dolyar ang remittance ng mga OFW.

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mamamayan na alalahanin ang mga pumanaw na bayani na nagbuwis ng buhay alang-alang sa kalayaang tinatamasa ng bansa at pinakikinabangan ng bawat mamamayan ng kasalukyang henerasyon.

“Sa ating pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, kinikilala natin ang mga dakilang ginawa ng ating mga bayani. Tumatanaw tayo ng utang na loob sa kanila na inuna ang bayan bago ang sarili,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Batay sa kasaysayan ipinagdiriwang ang National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto kung saan ginugunita ang ‘Sigaw ng Pugad Lawin’ na hudyat ng pagsimula ng himagsikan laban sa mga Espanyol noong 1896.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,788 total reads

 14,788 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,790 total reads

 15,790 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,693 total reads

 31,693 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,070 total reads

 69,070 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,339 total reads

 100,339 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,578 total reads

 175,578 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,267 total reads

 268,267 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,790 total reads

 14,790 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top