Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Alagaan ang buhay

SHARE THE TRUTH

 403 total views

Mahalaga ang pagiging ligtas sa anumang karamdaman.

Ito ang panawagan ni Lipa, Batangas Archbishop Gilbert Garcera sa mamamayan upang magpabakuna laban sa coronavirus disease na ngayo’y mas mapanganib dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay Archbishop Garcera, mahalagang magpabakuna sapagkat ito ang paraan upang maiwasan ang malalang epekto ng virus sa katawan ng tao, gayundin para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Hinihimok din ng Arsobispo na nawa’y patuloy na sundin ng lahat ang minimum health protocols bilang pag-iingat sa panganib na makahawa at mahawaan ng COVID-19.

“Mahirap po ang [COVID-19]. Kung kaya’t po ang advice ko sa inyo ay magpabakuna. Sapagkat mahalaga po na tayo ay ligtas sa anumang sakit… Alagaan n’yo ang inyong buhay. Social distancing, facemask, ang paghuhugas natin ng kamay at mahalaga po, magpabakuna,” panawagan ni Archbishop Garcera.

Matatandaang noong Marso ng kasalukuyang taon, si Archbishop Garcera ay nagpositibo sa COVID-19, kasama ng iba pang mga pari mula sa Arkidiyosesis ng Lipa.

Samantala, batay sa huling tala, nasa mahigit 31-milyong doses na ng COVID-19 vaccine ang naipamahagi ng pamahalaan mula nang ito’y simulang ipamahagi noong unang araw ng Marso.

Sa nasabing bilang, 18-milyong Filipino na ang nakatanggap ng unang dose, habang nasa 13-milyon naman ang kumpleto na sa bakuna.

Nakapagtala naman ngayong araw ang Department of Health ng 18,528 na panibagong kaso ng COVID-19, mababa kumpara sa naitala kahapon (Agosto 28, 2021) na 19,441 na kaso – ang kasalukuyang pinakamataas na bilang sa mga naitalang panibagong kaso magmula nang lumaganap ang COVID-19 noong nakaraang taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 15,724 total views

 15,724 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 66,449 total views

 66,449 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 82,537 total views

 82,537 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 119,761 total views

 119,761 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 9,613 total views

 9,613 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 9,961 total views

 9,961 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 35,780 total views

 35,780 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top