Cardinal Tagle, hinimok ang mga kabataan na isantabi ang kompetisyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na maging mabuting tao.

Sinabi ni Cardinal Tagle na minsan lang dumaan ang yugto ng pagiging isang kabataan sa buhay ng bawat tao.

Kaya naman mahalagang sa panahong ito ay mapagyaman at maging mabunga ang karanasan ng isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng ambag sa simbahan at sa komunidad na kanyang kinabibilangan.

Dagdag pa nito, hindi dapat kompetisyon ang pinaiiral ng mga kabataan kungdi ang pagtutulungan upang makamit ang makabubuti para sa nakararami.

Ayon kay Cardinal Tagle, kung magsisimula sa mga kabataan ang pagkakaisa para sa kabutihan, pagdating sa mga nakatatanda ay tuluyan nang mawala ang pagkakanya-kanya, at paligsahan.

“Ang gift ninyo ay pagigng youth, pagiging bata, show it to us and contribute to the church by being good young people. Use your energies, use your dreams, use your idealism to learn and to contribute to the church and to society… Hindi competition ang kailangan natin sa mundo ngayon, kailangan natin common effort to promote the common good, magsimula kayo ngayon.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa tala, nasa 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga katoliko sa Pilipinas ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24.

Ngayong Disyembre pormal nang magsisimula ang panigabong taon ng simbahan sa pamamagitan ng paglunlunsad ng Year of the Youth bilang bagong tema na kaugnay sa paghahanda sa nalalapit na ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Nakatakdang pangunahan ni Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ikalawa ng Disyembre na gaganapin sa Our Lady of the Guadalupe Minor Seminary, ganap na alas singko ng umaga.

Patuloy namang inaanyayahan ang mga kabataan na makiisa sa pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pagpapatala sa Archdiocese of Manila Youth Ministry.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 1,978 total reads

 1,978 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 222,597 total reads

 222,597 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 257,270 total reads

 257,270 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 273,170 total reads

 273,170 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 309,540 total reads

 309,540 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,865 total reads

 384,865 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top