Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Caceres, nanawagan ng PPCRV Volunteers

SHARE THE TRUTH

 12,671 total views

Nananawagan ang Caritas Caceres sa Naga ng karagdagang mga PPCRV volunteers para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa darating na May 12, 2025.

Bahagi ng panawagan ng social action arm ng arkidiyosesis ang pakikibahagi sa pagsusulong ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan bilang kasapi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Arkidiyosesis ng Caceres.

Ayon sa Caritas Caceres, mahalaga ang pakikibahagi ng bawat isa upang ganap na mabantayan at maprotektahan ang kasagraduhan ng boto ng bawat mamamayang Pilipino.
“Make change happen. Be a PPCRV volunteer! Join us is ensuring a clean, honest, accurate, meaningful, and peaceful election this May 2025. Be a Parish Pastoral Council for Responsible

Voting Volunteer and help protect the sanctity of the vote!” Bahagi ng panawagan ng Caritas Caceres.

Una ng inihayag ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na siya ring National Spiritual Director ng PPCRV na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng PPCRV at mga volunteers nito sa buong bansa upang matiyak ang patuloy na pag-iral ng demokrasya sa pamamagitan ng pagbabantay sa pagkakaroon ng matapat, mapayapa at malinis na halalan sa bansa.

Kinilala rin ni Archbishop Alarcon ang pagsusumikap ng PPCRV na maimulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng kanilang boto para sa kapakanan at kinabukasan ng buong bansa.

Mula ng maitatag ang PPCRV noong 1991 na layunin maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas ay umaabot na sa kasalukuyan sa 700-libo ang volunteers nito mula sa may 86 na diyosesis sa buong bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 11,667 total views

 11,667 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 22,645 total views

 22,645 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 56,096 total views

 56,096 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 76,494 total views

 76,494 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 87,913 total views

 87,913 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 7,925 total views

 7,925 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 8,547 total views

 8,547 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top