Caritas in Action program, mamimigay ng GC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total views

Magsisimula na ngayong buwan ng Hunyo ang pamamahagi ng gift certificates ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas 846 para sa mga patuloy na naapektuhan ng pandemya.

Inaasahan na aabot sa P1.38 Million pesos o 1,398 piraso ng gift certificates mula sa Caritas Manila at mga katuwang nito na organisasyon ang ipamimigay sa programa kung saan bawat gift certificate ay nagkakahalaga ng isang libong piso at maaaring gamitin sa isang kilalang grocery store sa bansa.

Ang mga mabibigyan ng gift certificates ay mula sa mga sumusunod na sektor o grupo:

1. Church workers na nawalan ng trabaho o hindi pa rin pinapayagang pumasok sa kanilang parokya.

2. Mga nagta-trabaho sa mga mall, health and beauty services at fast food restaurants at nawalan ng trabaho o hindi pa rin pinapapasok ngayon dahil sa quarantine measures.

3. Mga natanggal sa trabaho dahil sa redundancy mula March 2020 hanggang sa kasalukuyan.

4. Mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil nagsara ang kanilang pinapasukan kumpanya mula Marso ng taong 2020 hanggang sa kasalukuyan.

5. Mga nagta-trabaho sa mga events and leisure related sector, sa mga amenities at tourist attraction at iba pa na kahalintulad na hanapbuhay.

6. Mga nag-positibo ang 2 sa mga miyembro ng kanilang immediate family (Magulang, Anak o Kapatid)

7. Mga nagta-trabaho sa real estate properties o car companies.

Samantala, maliban sa mga nabanggit na sektor ay inaasahan din na mamimigay ng gift certificate ang programang Caritas in Action para sa mga indigent family na may immediate member na kasalukuyan naka-confine sa ospital sa National Capital Region at maging sa mga itinuturing na street families.

Magugunitang mismong ang Caritas Manila ay una ng nagsagawa ng pamimigay ng gift certificate ngayong taong 2021 sa mga napapabilang sa ultra poor families sa Metro Manila o ‘yong mga hindi kumikita ng higit sa P10,000 piso kada buwan.

Para sa iba pang detalye kaugnay sa ipapamahaging mga GC’s sa programa ay maaaring mag-like at magpadala ng mensahe sa Facebook page nito na Caritas in Action o tumawag sa telepono bilang 8 9257931 loc. 182.

Ang Caritas in Action ay napapakinggan sa Radyo Veritas tuwing ala-una hanggang alas dos ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga may medikal na karamdaman na makapanawagan habang nagbibigay din ng impormasyong pangkalusugan, legal at iba pang serbisyo publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 24,962 total views

 24,962 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 58,044 total views

 58,044 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 86,395 total views

 86,395 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 154,126 total views

 154,126 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 175,483 total views

 175,483 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,618 total views

 92,618 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top