Caritas Manila, labis na nagpasalamat sa mga donors sa tagumpay ng YSLEP telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Labis na nagpapasalamat ang Caritas Manila sa naging tagumpay ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Telethon nito sa Radyo Veritas kahapon.

Partikular na nagpapasalamat si Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radyo Veritas sa mga donors kung saan nakalikom ang telethon mula sa target nitong P5-million ng mahigit P4.4-million para sa may mahigit 5,000 scholars nito.

“Nagpapasalamat tayo sa telethon na kahapon ay napaka-matagumpay, almost P5 millon ang ating naipon may dumarating at tumatawag pa para makatulong sa ating 5,000 scholars youth servant leaders sa buong Pilipinas.” Pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, natutuwa din ang pari dahil sa marami ang may mabubuting kalooban at napakahalaga nito lalo na ngayong ‘Year of Mercy’ na ipinapakikita ng bawat isa ang pagmamalasakitan lalo na sa mga nangangailangang kabataan na nais magkaroon ng magandang kinabukasan.

“Nakakatuwa naman marami ang nagbigay, may maliit may malaki, ang mahalaga ang ating pakikiisa sa Year of Mercy na tayo ay makapagmalasakitan sa mga kabataang mahihirap ngunit nais nilang magkaroon ng bagong kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Ayon sa Caritas Manila, umaabot sa P100-million kada taon ang pondo nila para sa lahat ng pangangailangan ng kanilang mahigit 5,000 scholars kabilang na ang allowance, board and lodging at matrikula na karamihan sa mga ito nasa mahihirap na lalawigan sa Mindanao, mga Indigenous Peoples (IPs), mga nabiktima ng Bagyong Yolanda sa Visayas at maging sa mahihirap na pamilya sa Metro Manila.

“Ang budget ng Caritas ay around P100 million a year minimum, andiyan ang allowance lang, board and lodging at tuition fees ng ating 5,000 scholars marami sa Mindanao sa poorest provinces sa Mindanao mga IPs, at sa Visayas mga victims ng Yolanda at siyempre dito sa Metro Manila.” ayon pa sa pari.

Una na ring binigyang diin ng Caritas Manila na maliban sa nagmula sa mahihirap na pamilya, kinakailangang aktibo rin ang mga kabataan sa church at community activities at sumasailalim sila sa mga formation program on servant leadership upang maging pinuno sila sa kani-kanilang komunidad maliban pa sa maganda ang academic grades.

Kamakailan, nasa 625 servant youth leaders ang nakapagtapos at 10% sa mga ito may karangalan (suma-cum laude o cum laude).

Napag-alamang ang mga nauna ng nagsipagtapos na scholars ng YSLEP na may mga trabaho na ay tumutulong din ngayon sa mga mag-aral kung saan noong nakaraang taon nakalikom sila ng P1-million at ngayong 2016 target nila ang P2-million na pondo na itutulong sa programa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 73,579 total reads

 73,579 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 114,138 total reads

 114,138 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 137,725 total reads

 137,725 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 185,993 total reads

 185,993 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 205,232 total reads

 205,232 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 269,065 total reads

 269,065 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 390,410 total reads

 390,410 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top