Caritas Manila, nagbigay-pugay sa mga kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 93 total views

Isinusulong ng Caritas Manila ang higit na pagpapahalaga at pagkilala sa mga kababaihan na ngayon ay nangunguna sa ibat-ibang larangan higit na sa Social Service Development.

Sa paggunita ng International Women’s month tuwing buwan ng Marso at Women’s day sa ika-8 ng kasalukuyang buwan, nagbigay-pugay si Caritas Manila executive director Fr.Anton CT Pascual sa lahat ng kababaihan.

Ipinagdarasal ni Fr.Pascual na tuluyan nang mawala ang diskriminasyon at pang-aabuso sa mga kababaihan na nilikha ng panginoon kapantay ng mga lalaki.

“Una sa lahat, pinagpahalagahan ng Diyos ang kababaihan sa ating buhay, pinagpahalagahan ng Diyos ang kababaihan nang nilikha niya ang tao, lalaki at babae. Kaya sa ating pagiging Kristiyano, naway kasama yan ang ating malalim na respeto sa kababaihan. Naway pantay ang ating pagtingin sa kanila tulad ng kalalakihan, mabigyan ng oportunidad na pantay, at naway sila ay tunay na maging aktibong mga pinuno at lingkod sa ating lipunan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Kinilala ng pinuno ng Caritas Manila ang pagiging huwaran ng mga kababaihan sa paglilingkod sa panginoon at mga mahihirap bukod pa sa pagtataguyod sa pamilya.

“Ako nga po sa aking trabaho sa simbahan, NGO, at kooperatiba, ako po ay napapaligiran ng mga magagaling at mahusay na kababaihan na talagang huwaran ng pagiging lingkod ng Panginoon at huwaran din sa kanilang tahanan at pamilya. Buhay ang mga kababaihan ng bansang Pilipinas,” ayon sa mensahe ni Fr.Pascual sa Radyo Veritas.
Ngayong 2026, tema ng pagdiriwang sa International Women’s Day 2026 ay “Rights. Justice. Action. For ALL Women and Girls”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 157,822 total views

 157,822 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 179,932 total views

 179,932 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 252,771 total views

 252,771 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 244,125 total views

 244,125 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top