Caritas Manila workers, hinamong unahing paglingkuran ang kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 675 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle – Pangulo ng Caritas Internationalis ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa ika-66 na taong Anibersaryo ng Caritas Manila noong ika-19 ng Oktubre.

Hinamon ng Cardinal ang mga Caritas Volunteers, workers at scholars na maging saksi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang pananalangin, pagkakaisa at pagtulong sa kapwa.

Binigyang diin ng Arsobispo na mahalaga ang ugnayan sa Diyos dahil dito mag-uugat ang pag-ibig na s’yang ibabahagi sa pagtulong sa kapwa.

Ipinaalala niyang dapat manatili ang kamay na nakataas, nananalangin, at kumakapit sa tunay na Diyos at hindi sa mga diyus-diyosang salapi, kapangyarihan at karangalan.

“Ang pinaka maayos at mabisang armas, kamay na nakataas, nananalangin, umaasa sa Diyos. Kapag walang ugnayan sa Diyos hindi natin alam saan natin huhugutin ang Caritas. Sana ang kamay ng mga Caritas volunteers, workers, kamay ng mga YSLEP scholars, sanay na sanay nakataas, kapit sa Panginoon, at kapag mayroong nangangalay ang kamay, tulungan na itaas.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa ni Cardinal Tagle, kinakailangang talikdan ng mga mananampalataya, lalo na mga Caritas workers ang kanilang mga sarili at unahin ang paglilingkod sa kapwa.

Aniya, sa paglilingkod at pakikisalamuha sa mga dukha ay marami ring matutunan ang mga volunteers at ito ay makukuha lamang kung aalisin ang “pride” o pagmamalaki at pagmamataas.

“Bitawan ang mga sariling ambisyon plano kaisipan makinig sa kapwa makinig sa diyos na nagsasalita sa kapwa… YSLEP scholars nag-aaral kayo, baka malampasan ninyo ang naabot ng mga magulang ninyo, wag sana uuwi yan sa yabang. Let go of pride, let go… Hindi ganun ang Caritas, listen to God, listen to the poor.”

Sa huli, ipinaalala pa ni Cardinal Tagle ang kahalagahan ng pagtutulong-tulong, at pagsasama-sama.

Aniya, ang misyon ng Caritas ay hindi maisasakatuparan kung magkakaroon ng paligsahan, pagalingan, at pagkakahati-hati sa pagitan ng mga tagapanglingkod ng Panginoon.

Binigyang diin nito na upang maitaguyod ang Caritas na s’yang tunay na pag-ibig ng Diyos ay kinakailangang magkaroon ng “communion” o pagkakaisa ang bawat naglilingkod.

“Ang misyon ng Caritas, ang misyon ng pagmamahal, ay ginaganap sa pagsasama-samang pagkilos, “communion”, hindi kanya-kanya. Ang misyon natin bilang Caritas ay hihina at mawawasak kung hindi lamang nagkakanya-kanya, [kun’di] nag-uunahan, naghihilahan, nagtatapakan… kung may gagawa ng mabuti let it be in the spirit of solidarity.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Ang Caritas Manila ay isa sa mga nangungunang Social Arm ng simbahang katolika, sa higit anim na dekadang paglilingkod nito, libu-libo na ang natulungan nitong mga mahihirap sa ilalim ng mga programang Caritas Margins, Damayan Disaster Program, at Youth Servant Leadership Program o YSLEP na may 5-libong mga scholars.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,843 total reads

 44,843 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,725 total reads

 124,725 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,172 total reads

 158,172 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,470 total reads

 193,470 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,279 total reads

 418,279 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,540 total reads

 37,540 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,429 total reads

 30,429 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top