Rosary na may bendisyon ni Pope Francis, ipamimigay ng ACN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 963 total reads

Pangungunahan ng Aid to the Church in Need Philippines ang ikatlong taon ng pakikiisa ng Pilipinas sa pandaigdigang kampanya na “One Million Children Praying the Rosary”.

Partikular na iniaalay ng ACN ang kampanyang ito para sa mga bata na biktima ng digmaan sa Syria, at gayun din sa iba pang bahagi ng mundo, kaya naman ang kabuuang intensyon sa pananalangin ay ang kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig.

Ayon kay Jonathan Luciano – National Coordinator ng ACN Philippines, layunin ng taunang pagtitipon na mahikayat ang mga kabataan na manalangin ng Santo Rosaryo.

Naniniwala siya na sa murang edad ng mga bata ay mahalagang naipakikita sa mga ito ang kahalagahan at ang misteryong nagagawa ng pananalangin ng Santo Rosaryo.

“Sa pamamagitan nito somehow nakikita ng mga bata na mahalaga yung pagdarasal ng Santo Rosaryo. Mahalaga na ipakita natin sa kanila yung meaning nitong dasal na to hindi lang ito yung basta inaya mo silang magdasal ng rosary and then you do it repetitively. Pero yung meaning ano ba yung mas malalim na kahulugan ng dasal na ito, at siguro sa pamamagitan nun mas ma-e-encourage pa nating yung mga kabataan.” Pahayag ni Luciano sa Radyo Veritas.

Sa ibang bansa ay ginanap ang “One Million Children Praying the Rosary” campaign noong ika-18 ng Oktubre, subalit sa Pilipinas ay gaganapin ito sa ika-25, sa Don Bosco Technical Institute sa Makati simula alas otso ng umaga, at mapakikinggan ng live sa himpilan ng Radyo Veritas 846 – Ang Radyo ng Simbahan.

Ayon kay Luciano, naghanda ang ACN Philippines ng mga rosaryong binasbasan ng Kanyang Kabanalan Francisco upang ipamigay sa mga batang makikiisa sa pananalangin.

2005 nang magsimula ang kampanya sa pananalangin ng Santo Rosaryo sa Caracas, kapitolyo ng Venezuela.

Noong nakaraang taon, 80 mga bansa ang nakiisa dito, habang 60 mga Diyosesis naman ang nakilahok sa Pilipinas.

Ngayong taon, bukod sa mga simbahan, hinihimok din ang mga paaralan, partikular ang mga Catholic Schools na makiisa at magsagawa ng kanilang programa kaugnay ng One Million Children Praying the Rosary.

Una nang inihayag ni Saint Padre Pio ang mga katagang, “When one million children pray the rosary, the world will change”, kaya naman umaasa ang Aid to the Church in Need na sa pagpapatuloy nito ay makakamit ang pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,041 total reads

 47,041 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,821 total reads

 126,821 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,268 total reads

 160,268 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,566 total reads

 195,566 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,294 total reads

 420,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,572 total reads

 37,572 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,461 total reads

 30,461 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top