6,515 total views
Hinimok ng Caritas Philippines ang mamamayan na suportahan ang Alay Kapwa Flagship Programs na Alay Kapwa para sa Karunungan at Kalusugan upang mapaigting ang pagbibigay proteksyon sa mga batang Pilipino.
Ito ang panawagan ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng November 20 bilang World Children’s Day.
Ayon sa Caritas Philippines, sa pamamagitan ng suporta ay mapapalakas at mapapalawig ang naabot ng programa na gamit ang edukasyon sa paglaban sa kahirapan at matiyak na malulusog ang susunod na henerasyon.
“Through our Alay Kapwa programs, #AlayKapwaParaSaKarunungan and #AlayKapwaParaSaKalusugan,we’re nurturing the next generation in body and mind.Every child deserves both quality education AND good health. Through these holistic programs, we create communities where children can flourish. Join us in nurturing young minds and bodies. Your support helps us reach more children in need! Let’s build a Philippines where every child can grow, learn, and dream together,” ayon sa bahagi ng mensahe ng Caritas Philippines bilang paggunita sa World Children’s Day.
Kinilala naman ng Save the Children at Child Rights Network Philippines ang mga programa ng simbahan sa mga kabataan at mga mambabatas na nagsusulong at nagbibigay proteksyon sa kanolang kapakakan.
Ang isinusulong na panukalang batas ay Positive Parenting Bill, Adolescent Pregnancy Prevention Bill, Civil Registration and Vital Statistics Bill at Magna Carta of Children.
Tema ng World Children’s Day 2024 ay “Listen to the Future”.