6,608 total views
Pinalawak ng Caritas Manila ang integrated nutrition program para sa mga batang biktima at nanganganib maging biktima ng malnutrisyon kasama ang lactating mothers.
Sa pinakabagong inisyatibo, 300-bata ang mga bagong benepisyaryo ng Caritas Manila – Caritas Damayan Munting Pagasa Feeding and Nutrition Program sa St. John Bosco Parish sa Tondo Manila.
Katuwang ng Social Arm ng Archdiocese of Manila bilang donor ang Church of Jesus Christ of Latter – day Saints – Philippines kung saan bukod sa masusustansyang pagkain ay binigyan ang 300-bata ng bitamina at nutrisyon.
“300 children from St. John Bosco Parish in Tondo graduated from Caritas Damayan’s Munting Pag-asa Feeding and Nutrition Program, This batch was sponsored by the The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints – Philippines, A heartfelt thank you to LDS for your unwavering support,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.
Nagsimula narin ang Unang Yakap Feeding and Nutrition Program sa Sto. Nino de Baseco Parish kung saan umabot sa 50-lactating Mothers at mga buntis ang naging benepisyaryo ng programa.
Katuwang naman ang Metro Bank Foundation ay papakaininin sila sa loob 120-araw ng masusustansyang pagkain at makakatanggap din ng bitamina o nutrisyon upang manatiling malusog habang ipinagbubuntis o pinapasuso ang kanilangmga anak.
“Fifty (50) poor pregnant and lactating mothers participated in the Unang Yakap Feeding and Nutrition Program Launch last November 9, 2024 at Sto. Nino de Baseco Parish. They will receive nutritious meals for 120 days to improve their and their babies’ health,” ayon sa pa sa mensahe ng Caritas Manila
Noong 2022, naitala ng Caritas Manila na umaabot sa 75-libong mga bata sa Metro Manila at iba pang karatig lalawigan ang natulungang mapakain, makaahon at maiwasan ang malnutrisyon.