Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 20,003 total views

Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan.

Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ng Pangulo na sa higit isang dekadang pagsisikap na iantala ang parusang bitay, ay nagbunga na rin na tuluyang maisalba ang buhay ni Veloso at inaasahan nang makakabalik sa bansa.

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” ayon sa pahayag ng Pangulong Marcos Jr.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto gayundin sa pamahalaan ng Indonesia para mapauwi ng bansa si Veloso, at sa Pilipinas na bunuin ang nalalabing panahon ng kaniyang sentensya.

“I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their goodwill. This outcome is a reflection of the depth our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to justice and compassion,” ayon pa sa pahayag.

Ang hakbang ng Indonesia ayon sa Pangulo ay sumasalamin sa malalim na ugnayan ng dalawang bansa bilang magkaalyadong nasyon at nagkakaisa sa layunin para sa katarungan at malasakit.

Read also: Posibleng pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, ikinagalak ng CBCP-ECMI
Si Veloso ay nakulong sa Indonesia sa loob ng labing apat na taon dahil sa kasong drug smuggling noong 2010 at nananatili sa Death Row matapos magawaran ng temporary reprieve noong 2015.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 11,154 total views

 11,154 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 27,243 total views

 27,243 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,996 total views

 64,996 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,947 total views

 75,947 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,501 total views

 20,501 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 3,267 total views

 3,267 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 23,215 total views

 23,215 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top