Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 406 total reads

Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ni Pangulong Duterte na pinayagan niya ang pagbubukas ng isang casino sa Boracay. Katwiran ng pangulo, kailangan natin ng pera upang matustusan daw ang mga programa ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya. Ang casino na ito ay pagmamay-ari ng isang kumpanyang nakabase sa Macau sa China, at ang lokal na kasosyo nito ay nakabili ng lupa sa Boracay.

Ang anunsyong ito ay ikinagulat ng maraming taga-Boracay at ng Boracay Inter-Agency Task Force na tila hindi nakonsulta sa desisyong ito. Isang malaking alalahanin nila ay ang pagdagsa ng mga tao, hindi lang ng mga turista kundi ng mga maglalaro sa casino sa gitna ng isang pandemya. Mas nagulat at mas tutol ang mga nakatira sa isla. Nangangamba silang ang ginawang rehabilitasyon sa Boracay ay masasayang lamang at mauuwi na naman sa pagsasalaula ng kapaligiran.

Isa pang dahilan sa pagtutol sa pagbubukas ng casino ay ang napabalitang kahinaan ng ating mga ahensiyang pangkalusugan na gastusin o gamitin ang mga pondong naitalaga na para sa pagtugon sa pandemya. Ito ay isa lamang sa mga naging obserbasyon ng Commission on Audit (o COA) kung kaya may mga pagdinig na ginagawa ngayon sa Senado ukol dito.  Lumalabas na hindi naman kakulangan ng pondo ang problema natin, kundi ang kakulangan ng kapasidad na gamitin ito sa wastong paraan. Samakatuwid, hindi natin kailangan ng mga casino kung pondo rin lang ang sinasabing dahilan.

Ang tanong naman ng mga naninirahan at mga maliliit na negosyante sa isla: bakit hindi ang pagpapabilis ng pagbabakuna ang pagtuunan ng gobyerno upang mabuhay muli ang turismo at ekonomiya ng isla? Kailangan din daw protektahan ang mga lokal na mga komunidad mula sa pangangamkam ng mga lupain sa isla ng mga malalaking negosyo, kabilang na ang pasugalang sinasabing pinayagang magbukas. Ang mga katutubo sa isla at naninirahan doon ay higit na may pangmatagalang interes at malasakit sa kabutihan ng kanilang lugar kumpara sa mga dayuhang nagnenegosyo lamang doon upang kumita.

Sa usaping ito, tila hindi na naman napakikinggan ang mga taong higit na apektado ng mga desisyong ginagawa ng gobyerno. Ang pagkiling ng gobyerno sa mga namumuhunang banyaga at malalaking mga negosyante laban sa interes ng mga komunidad, mga katutubo,  at maliliit na mga negosyanteng Pilipino ay hindi lamang taliwas sa prinsipyo ng mabuting pamamahala, o good governance, kundi taliwas din sa katuruan ng ating Simbahan. Wika nga ni Pope John Paul II, ang pangangailangan ng mga mahihirap ay dapat mauna sa mga pagnanasa ng mga mayayaman.

Kung susundin ang turo ng ating Simbahan, kailangang magpakita ang gobyerno ng pagkiling sa kapakanan ng mga maliliit na tao, yaong hindi kayang makipagkumpetensiya sa mga may-ari ng malalaking negosyong may koneksyon sa mga pulitiko o sa mga nanunungkulan sa gobyerno. Nakita natin ito kay Kristo mismo. Ipinaliwanag niya ang kanyang misyon sa ganitong pagsasalarawan sa Lucas 4:18: “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila ay lalaya, at sa mga bulag na sila ay makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi.” Ang pagkiling na ito ay hindi dahil may pagtatangi ang pag-ibig ni Hesus sa iba’t ibang tao kundi dahil may mga taong higit ang pangangailangan ng Kanyang pagkalinga.

Mga Kapanalig, sa ating mga kinakaharap na mga pagsubok at usapin sa ating bayan at mga pamayanan, may mga taong higit na nangangailangan ng pagkalinga ng pamahalaan. Sila ang dapat na pinakikinggan. Kung ang pag-unlad nila ang layunin ng mga programa ng pamahalaan, hindi ba’t dapat lamang na sila ang mas pinakikinggan?

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,883 total reads

 9,883 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,010 total reads

 10,010 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,486 total reads

 18,486 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 74,892 total reads

 74,892 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,393 total reads

 198,393 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 282,848 total reads

 282,848 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,487 total reads

 18,487 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 74,893 total reads

 74,893 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,394 total reads

 198,394 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top