Mamamayan, inaanyayahan sa LSAP webinar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 758 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Laudato Si’ Program ang mga mananampalataya na makibahagi sa isasagawang webinar hinggil sa sama-samang paglalakbay sa pamamagitan ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP) na bahagi ng paggunita sa Season of Creation 2021.

Paksa ng nasabing webinar ang ‘Usapang PasKal: Pastol para sa Kalikasan’ na tatalakayin at bibigyang-pansin ang mahalagang tungkulin ng mga diyosesis at mga parokya sa pagpapalaganap ng ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco tungo sa wastong pangangalaga at pagpapanatili ng ating nag-iisang tahanan.

Ang sektor ng mga diyosesis at parokya ay isa sa mga pinagtutuunan ng pansin sa LSAP kung saan kabilang din dito ang mga sektor ng pamilya; educational institutions; mga ospital at health care centers; ekonomiya ng bansa; iba’t ibang organisasyon at mga grupo; at ang mga nasa religious orders.

Kabilang naman sa mga magbabahagi sa webinar ay sina CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles; at kinatawan mula sa Dicastery for Promoting Integral Human Development – Diocese & Parish Sector, Ms. Monica Conmee.

Isasagawa ang talakayan bukas, Setyembre 8 kasabay ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, mula alas-tres hanggang alas-singko ng hapon sa pamamagitan ng zoom.

Matutunghayan din ito sa mga facebook page ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, CBCP National Laudato Si’ Program, at Veritas846.ph

Samantala, ibinahagi rin ng CBCP-NLSP ang panalangin para sa mga parokya at diyosesis ngayong panahon ng paglikha.

“Lord of Creation, we pray for our parishes and dioceses, that they may be attentive to the Cry of the Earth and promote clean energy, ensure clean air and water for all, protect your creation, and its biodiversity and climate, in particular. May we re-discover our original vocation as carers of our common home and of one another.”

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “A Home for All? Renewing the Oikos of God”, na ipagdiriwang sa buong buwan ng Setyembre hanggang sa Oktubre 4, ngunit pinalawig pa ito sa Pilipinas hanggang sa Oktubre 10 upang ipagdiwang ang Indigenous People’s Sunday.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,318 total reads

 9,318 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,445 total reads

 9,445 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 17,600 total reads

 17,600 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 74,006 total reads

 74,006 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 197,507 total reads

 197,507 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 282,017 total reads

 282,017 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,162 total reads

 175,162 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top