Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Catholic Congregations, hinamong buksan ang kumbento at simbahan sa mga kapuspalad.

SHARE THE TRUTH

 492 total views

Umapela ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa iba’t- ibang kongregasyon ng Simbahang Katolika na buksang ang mga kumbento at Simbahan sa mga lubos na nangangailangan tulad ng mga walang tahanan.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angelo Cortez, OFM hindi dapat na manaig ang takot sa pagkakawanggawa lalo na sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na una ng idineklara ng World Health Organization na pandemic.

Inihayag ni Father Cortez na maraming paraan upang makatulong tulad ng pagpapakain sa mga mahihirap at pagpapatuloy sa mga walang masisilungan.

Ibinahagi rin ni Fr. Cortez na siya ring National Coordinator ng Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (JPICC) ang paglabas sa kumunidad ng mga Fransiskano upang makapagpaabot ng tulong sa mga nasa lansangan.

“Hinihimok naman namin lahat ng mga kongregasyon halimbawa kung pwede nating gawing kanlungan yung mga kumbento, Simbahan natin o kaya kung meron tayong kakayahan na magpakain kasi sa panahong ito ang lalong apektado yung mga kapatid nating mahihirap.Actually kagabi talagang marami sa kanila dahil wala namang bibili, yung mga tao nandoon lang sa ilalim ng tulay, nandoon kung saan sila nakahiga, nag-aantay lang. Hindi kaaya-aya na sa ganitong panahon ng pandemic ay wala tayong ginagawa dahil natatakot tayo…”panawagan ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Pari ang paglulunsad ng OFM Friars sa St. Anthony Shrine sa Sampaloc, Manila ng Lingap Fransiskano Mobile Kitchen para sa mga homeless o mga taong lansangan na apektado rin ng nagaganap COVID-19 outbreak sa bansa.

Sa pamamagitan ng Lingap Fransiskano Mobile Kitchen, ay nakapagbahagi ng mga lutong Aroz Caldo ang mga OFM Friars sa may 300 indibidwal kabilang na sa mga taong lansangan mula sa Baseco, Legarda, E. Rodrigues, Roosevelt, Balic-Balic at Sampaloc at maging sa ilang mga uniformed personnel na pulis at sundalo na nagbabantay sa mga check points sa siyudad.

“Katulad naming mga Fransiskano kagabi nagpakain kami ng mga homeless dito sa paligid sa Maynila tapos kahit yung mga kapatid nating sundalo at pulis na makita namin na wala ring supply ay tinutulungan din namin…” Dagdag pa ng pari

Sa tala ang AMRSP ay binubuo ng 283 congregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 20,234 total views

 20,234 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 38,587 total views

 38,587 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 88,932 total views

 88,932 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 118,869 total views

 118,869 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 14,343 total views

 14,343 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 27,102 total views

 27,102 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567