Catholic Congregations, hinamong buksan ang kumbento at simbahan sa mga kapuspalad.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Umapela ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa iba’t- ibang kongregasyon ng Simbahang Katolika na buksang ang mga kumbento at Simbahan sa mga lubos na nangangailangan tulad ng mga walang tahanan.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angelo Cortez, OFM hindi dapat na manaig ang takot sa pagkakawanggawa lalo na sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na una ng idineklara ng World Health Organization na pandemic.

Inihayag ni Father Cortez na maraming paraan upang makatulong tulad ng pagpapakain sa mga mahihirap at pagpapatuloy sa mga walang masisilungan.

Ibinahagi rin ni Fr. Cortez na siya ring National Coordinator ng Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (JPICC) ang paglabas sa kumunidad ng mga Fransiskano upang makapagpaabot ng tulong sa mga nasa lansangan.

“Hinihimok naman namin lahat ng mga kongregasyon halimbawa kung pwede nating gawing kanlungan yung mga kumbento, Simbahan natin o kaya kung meron tayong kakayahan na magpakain kasi sa panahong ito ang lalong apektado yung mga kapatid nating mahihirap.Actually kagabi talagang marami sa kanila dahil wala namang bibili, yung mga tao nandoon lang sa ilalim ng tulay, nandoon kung saan sila nakahiga, nag-aantay lang. Hindi kaaya-aya na sa ganitong panahon ng pandemic ay wala tayong ginagawa dahil natatakot tayo…”panawagan ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Pari ang paglulunsad ng OFM Friars sa St. Anthony Shrine sa Sampaloc, Manila ng Lingap Fransiskano Mobile Kitchen para sa mga homeless o mga taong lansangan na apektado rin ng nagaganap COVID-19 outbreak sa bansa.

Sa pamamagitan ng Lingap Fransiskano Mobile Kitchen, ay nakapagbahagi ng mga lutong Aroz Caldo ang mga OFM Friars sa may 300 indibidwal kabilang na sa mga taong lansangan mula sa Baseco, Legarda, E. Rodrigues, Roosevelt, Balic-Balic at Sampaloc at maging sa ilang mga uniformed personnel na pulis at sundalo na nagbabantay sa mga check points sa siyudad.

“Katulad naming mga Fransiskano kagabi nagpakain kami ng mga homeless dito sa paligid sa Maynila tapos kahit yung mga kapatid nating sundalo at pulis na makita namin na wala ring supply ay tinutulungan din namin…” Dagdag pa ng pari

Sa tala ang AMRSP ay binubuo ng 283 congregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 33,672 total reads

 33,672 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 136,426 total reads

 136,426 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 221,795 total reads

 221,795 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 268,532 total reads

 268,532 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 316,404 total reads

 316,404 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 413,499 total reads

 413,499 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top