Catholic virtues, paiigtingin ng Pasig Catholic College

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,534 total reads

Tiniyak ng Diocese of Pasig ang pagpapaigting sa paghuhubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.

Ito ang pahayag ni Bishop Mylo Hubert Vergara sa 111th founding anniversary ng Pasig Catholic College kung saan binibigyang diin ang pagpapatatag sa catholic education.

“Ang commitment ng Diocese [Pasig] ay lalong patatagin yung Catholic Education Program lalo na ang ating Christian living na subjects. Yung secular education walang tinatawag na paghuhubog tungkol sa faith kaya napakahalaga ng Catholicity ng ating mga parochial schools, catholic schools and universities,” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na siya ring chairman ng Board of Trustees ng institusyon na mahalagang mabigyang panahon ang pagtuturo sa kabataan hinggil sa pananampalataya upang mahubog ang Catholic values ng mga estudyante gayundin ang kanilang spiritual life at religiousity.

Hango sa tema ng pagdiriwang na ‘Enlarging our tents: Walking together to do justice, and to love goodness, and to walk humbly with your God’ sinabi ni PCC President Fr. Daniel Estacio na palalawakin ang hamong kalingain ang pamayanan lalo na ang sektor ng mga maralita.

Tinukoy ng pari ang adopted community na Pamayanan ng Sta. Rosa kung saan ito ang magiging daan upang isakatuparan ang misyong ‘enlarging our tent.’

“Ang hamon ng Pasig Catholic College to continue to enlarge our tent, to enlarge our hearts specially sa mga poor, sa mga nangangailangan lalo na ngayon na we have an adopted community yung Pamayanan ng Sta. Rosa so we can channel the help, the assistance to that community so that we can journey witht them to bring them closer to the Lord as we serve them,” ani Fr. Estacio.

Ibinahagi rin ng pari ang pagtutulungan ng PCC at lokal na pamahalaan ng Pasig sa pangunguna nina Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Robert Jaworski Jr. sa PAGASA scholarship program kung saan may 1, 000 kabataan ng Pasig ang maaring makinabang kada taon.

“Inaanyayahan po namin ang mga taga Pasig to avail that quality Catholic education na ibinibigay ng paaralan sa tulong ng local government of Pasig in terms of scholarship program,” giit ng pari.

Inaanyayahan din ni College Dean Ms. Leonora Fernandez ang mga papasok sa kolehiyo na mag-enroll sa PCC lalo’t sa loob ng pitong dekada ng kolehiyo ay matagumpay na sa iba’t ibang larangan ang mga indibidwal na nagsitapos dito.

Kabilang sa mga kursong maaring kunin ng mga mag-aaral ang Education, AB Communication & Journalism, Psychology, Accountancy, Business Administration, Entreprenuership, at Information Technology gayundin ang Graduate Studies ng Education at caregiving programs.

“So, we are really inviting the students those who are going to college, chose our very own Pasig Catholic College. Eversince PCC especially the College Department is really offering good quality Catholic education,” ani Fernandez.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang enrollment sa kolehiyo kaya’t maaring makipag-ugnayan sa (02) 8642-7541, sa 0923 949 4124 o bisitahin ang kanilang website para sa online enrollment sa www.pasigcatholic.edu.ph.

Batay sa kasaysayan itinatag ang PCC ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM noong 1913 upang mapalawak ang misyon ng CICM missionaries sa pagtuturo sa mga kabataan sa pag-ibig sa Panginoon gayundin ang pagpapanatili sa cultural heritage at tradisyon ng pamayanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 971 total reads

 971 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,658 total reads

 51,658 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,024 total reads

 137,024 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,760 total reads

 183,760 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,631 total reads

 231,631 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,106 total reads

 333,106 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top