Cause of Beatification and Canonization ng katekistang si “Ka Luring”, inilunsad ng Diocese of Pasig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,542 total reads

Pormal nang inilunsad ng Diyosesis ng Pasig ang Cause of Beatification and Canonization para kay Laureana “Ka Luring” Franco na kilala bilang katekistang inialay ang sarili sa paglilingkod sa Diyosesis at sa mga mahihirap.

Ito’y kasabay ng pag-alala sa ika-10 anibersaryo ng kamatayan ni Ka Luring at pagdiriwang din sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“According to the initial study of the life story, Christian virtues and apostolate of Ka Luring conducted by the Ad hoc Committee, there have been numerous reports of favors following her intercessory prayers and based from the initial documents gathered, she has lived a heroically virtuous life worthy of imitation, therefore, I, the Most. Rev. Mylo Hubert C. Vergara, Bishop of Pasig…formally launched the cause of the Beatification and Canonization of our Sister Laureana “Ka Luring” Franco, katekista at layko. May God who has begun the good work, bring it to fulfillment,” anunsyo ni Bishop Vergara.

Oktubre 17, 2020 nang i-anunsyo ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagbubukas ng Diocesan Process of Inquiry for the cause of Beatification para kay Ka Luring.

Si Ka Luring ay isinilang noong Hulyo 4, 1936 sa Hagunoy, Taguig, mula sa isang mahirap na pamilya.

Siya ay naging miyembro ng Legion of Mary at mas lalong pinag-alab ang kanyang debosyon para sa Mahal na Birheng Maria.

Samantala, Abril, 1, 1990, sa pamamagitan ng rekomendasyon ng noo’y dating Arsobispo ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin, natanggap ni Ka Luring ang Pro Ecclesia et Pontifice mula sa noo’y Santo Papa na si Saint John Paul II bilang pagkilala sa kanyang huwarang paglilingkod bilang isang laykong katekista.

Taong 2002 naman nang kanya ring matanggap ang Mother Teresa Award, dahil sa kanyang paglilingkod para sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

Namayapa si Ka Luring noong Oktubre 17, 2011 dahil sa sakit na cancer.

Sa kasalukuyan, tatlong Obispo sa bansa ang nasa proseso ng ‘beatification’ o isang hakbang sa pagiging banal, ito ay sina Bishop Alfredo Obviar, Archbishop Teofilo Camomot at Bishop Alfredo Versoza.

Batay sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, mahigit sa 10,000 na ang mga idineklarang Santo kabilang na dito ang mga Filipinong Santo na si San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod na kilalang nagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 6,421 total reads

 6,421 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 88,359 total reads

 88,359 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 190,086 total reads

 190,086 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 226,874 total reads

 226,874 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 257,236 total reads

 257,236 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,691 total reads

 58,691 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top