CBCP-ECCE, pabor na muling pag-aralan ang K to 12 program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total reads

Pabor ang pinuno ng Catholic Bishops’ Conference Of The Philippines – Episcopal Commission On Catechesis And Catholic Education sa mungkahing muling suriin ang ipinatupad na K to 12 program ng Department of Education.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, ang chairman ng komisyon, mas mabuti rin ang pagsusuri sa mga kasalukuyang programa upang makita ang mga kakulangan at mapunan ito.

Ito ang tugon ng obispo sa binabalak ng mababang kapulungan ng kongreso na suriin ang k to 12 program upang matukoy ang mga tagumpay at kakulangan ng programa upang higit na maging epektibo ikapakinabangan ng kabataan.

Magugunitang hiniling ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa kongreso ang realignment ng 2020 national budget upang dagdagan ang pondo sa edukasyon para mapaunlad pa ang k to 12 program.

Umaasa naman si Bishop Mallari na ang pagsusuring gagawin ay para mas mapabuti pa ang mga programa at hindi upang alisin o baguhin.

“Sana po ang purpose ng evaluation is to improve whatever is wanting at hindi ibahin na naman ang programa,” pahayag ni Bishop Mallari Sa Radio Veritas.

Batay sa panukala dadagdagan ng mga mambabatas ng 650 milyong piso ang pondong inilaan sa sektor ng edukasyon upang mapag-ibayo pa ang mga program ng k to 12.

Ayon naman kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali maaga pa para sabihing epektibo ang implementasyon ng enhanced basic education act partikular na ang employment ng mga nagtapos sa senior high school.

Sa pahayag ng deped bukas naman ito sa pagsusuring gagawin ng mababang kapulungan at nakahandang makipagtulungan para mas matugunan ang mga suliranin sa implementasyon ng nasabing programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,977 total reads

 46,977 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,760 total reads

 126,760 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,207 total reads

 160,207 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,505 total reads

 195,505 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,239 total reads

 420,239 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top