Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, humiling ng panalangin sa kagalingan ng mga kawani ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

 531 total views

Humiling ng panalangin si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa agarang paggaling at kaligtasan ng mga kawani ng Radio Veritas.

Dalangin ng obispo ang maayos na kalagayan ng mga kawani makaraang ilan dito ang nagpositibo sa coronavirus. “Ako po ay nakikiisa sa Radio Veritas at humingi ng panalangin sa mga Kapanalig natin, ipagdasal po natin ang mga nagtatrabaho sa Radio Veritas na iyong mga nagkasakit ay gumaling na at hindi lumala ang kanilang nararamdaman,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis ay kasunod ng pagpapatupad ng pansamantalang lockdown sa main studio ng himpilan sa Quezon City makaraang magpositibo ang mahigit sampung kawani ng himpilan.

Hinangaan din ni Bishop Pabillo ang katatagan ng mga naglilingkod sa Radyo ng Simbahan sapagkat nagpapatuloy ito sa pagsasahimpapawid ng mga programa lalo’t higit ang Banal na Misa sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap.

“Ako po ay nagpapasalamat sa Radio Veritas na nagpapatuloy pa rin ang kanilang serbisyo sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon,” ani Bishop Pabillo. Samantala, nagpaabot din ng panalangin si CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles para sa kagalingan ng mga kawaning nagpositibo sa virus at pinaalalahanang maging maingat at sundin ang mga safety measures upang maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit. “My prayers for healing and safety of your colleagues in Radio Veritas. Ingat kayo lagi and follow safety protocol,” pahayag ni Archbishop Valles.

Pinaigting naman ng himpilan ang isinagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong empleyado gayundin ang pagsasailalim sa swab testing ng iba pang kawani.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,863 total views

 44,863 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,344 total views

 82,344 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,339 total views

 114,339 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,066 total views

 159,066 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,012 total views

 182,012 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,101 total views

 9,101 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,594 total views

 19,594 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top