www.rcajaro.com, tinanghal na Best Diocesan website

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Archdiocese of Jaro sa pagkilalang iginawad ng Catholic Social Media Awards 2020 na Best Diocesan Website na www.rcajaro.com ng Roman Catholic Archdiocese of Jaro.

Sa mensahe ng Archdiocese of Jaro, Commission on Social Communications sa Facebook page nito, inihayag ng communication ministry ng arkidiyosesis na maituturing na dagdag inspirasyon ang naturang pagkilala upang higit pang pag-ibayuhin ng mga bumubuo sa website ang pagsusumikap na maging daluyan ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Nagpapasalamat rin ang communications ministry ng arkidiyosesis sa lahat ng mga bumubuo sa Catholic Social Media Awards 2020 sa pagkilala sa pagsusumikap ng arkidiyosesis na maibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.

Tiniyak naman ng Archdiocese of Jaro, Commission on Social Communications ang higit pang pagpapaigting sa misyon ng Simbahan na maipalanap ang Mabuting Balita ng Panginoon gamit ang internet at maging social medi.

“Congratulations, Roman Catholic Archdiocese of Jaro, for being awarded as the Best Diocesan Website of the Catholic Social Media Awards 2020. We thank all the judges, organizers, supporters, contributors, our supportive and hadworking clergy and lay people for making this possible! Thank you Catholic Social Media Awards for this privilege! We continue to give our yes to the mission to be social communicators of our beloved Archdiocese, all to bring the Good News of Christ closer to us all!” mensahe ng Archdiocese of Jaro, Commission on Social Communications.

Ang website ng Roman Catholic Archdiocese of Jaro na www.rcajaro.com ang nagsisilbing pangunahing tagapag-hatid ng mga impormasyon at mga gawaing pang-simbahan sa arkidiyosesis gayundin ang mga mahahalagang anunsyo at mga panawagan para sa mananampalataya.

Nasasaad sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet na mahalagang magamit ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para sa pagpapahayag ng ebanghelyo at misyon ng Simbahan na maibahagi ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Archdiocese of Jaro Website

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 32,028 total reads

 32,028 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 130,030 total reads

 130,030 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 174,299 total reads

 174,299 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 197,408 total reads

 197,408 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 271,024 total reads

 271,024 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top