Bigyang halaga ang turo ng simbahan sa kasagraduhan ng kasal at pagpamilya-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 842 total reads

Ang deklarasyon ng Kanyang Kabanalan Francisco ng Year of Amoris Laetitia ay panawagan upang bigyang halaga ang mayamang turo ng Simbahan sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Jose Cardinal Advincula sa paggunita ng Simbahan ng Year of Amoris Laetitia at ika-5 anibersaryo ng pagkalathala ng nasabing Post Synodal Exhortation ng Santo Papa Francisco.

Ayon sa Cardinal, ang panawagan ni Pope Francis sa muling pagninilay sa kanyang Post Synodal Exhortation na Amoris Laetitia ay paalala sa pagsusulong ng turo ng Simbahan sa pagpapatatag ng ugnayan lng bawat pamilya na humaharap sa iba’t ibang salik na nagdudulot ng pagkawasak at pagkasira ng mga samahan.

“The call of Pope Francis to reflect on Amoris Laetitia as we celebrate the 5th anniversary of his Post Synodal Exhortation urges us once again to value the richness of the church’s teaching on marriage and family, it does not offer us a fundamentally teaching but it offers us a pastoral understanding and approach characterize by greater charity towards our relationship and families and greater fidelity to the Gospel.” pahayag ni Manila Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na hindi kailanman naging bulag ang Simbahang Katolika sa reyalidad ng mga salik na nakakaapekto sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Inihayag ni Cardinal na batid ng Inang Simbahan ang pangangailangan na higit na matutukan ang pagpapatatag sa bawat pamilya na higit na humaharap sa iba’t ibang mga suliranin lalo na sa kasalukuyang modernong panahon at krisis na dulot na rin ng pandemya.

“As we open our minds and hearts in the rich condense of this topic we realized that our Mother Church is not blind to the realities of marriage and family but rather sees clearly the joys and sorrows, the opportunities and challenges of marriage and family in various actual life situations, she sees our growing phenomenon in our midst all throughout the world.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Kabilang sa mga sitwasyong tinukoy ng Cardinal ay ang paghihiwalay ng mga pamilya dahil sa hindi pagkakasundo, ang hindi pag-aanak ng mga mag-asawa upang maiwas sa responsibilidad ng pag-aalaga at pagpapalaki sa isang bata at ang pagsasama sa labas ng sakramento ng kasal. Paliwanag ni Cardinal Advincula, ang Salita ng Diyos ay tuwinang napapanahon upang magsilbing gabay para sa maayos at matuwid na pamumuhay ng bawat isa na nakabatay sa plano ng Panginoon.

Umaasa naman ang Cardinal na bilang mga katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay magsilbing ilaw ang bawat isa na maghahatid ng liwanag at gabay sa lahat ng mga nabubuhay sa dilim papalapit at pabalik sa piling ng Panginoon.

“In this dark world we find ourselves in particular we are light bearers to our brothers and sisters who’s marital relationship and family situations are in need of our pastoral care, as pastoral workers in our respective capacities let us be Christ’s merciful light, heart, hands and feet to them all but most especially to those in most challenging situations then we shall be like little candles that can make this world bright once again, once again with light of Christ.” Ayon pa kay Cardinal Advincula.

Idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Year of Amoris Laetitia mula ika-19 ng Marso ng kasalukuyang taon na magtatagal hanggang ika-22 ng Hunyo ng susunod na taong 2022 upang gunitain ang ika-5 anibersaryo ng pagkalathala nito. Layunin din nitong higit maipalaganap ang nilalaman ng Amoris Laetitia na magpapalakas ng samahan ng bawat pamilya bilang isang pundasyon ng matatag at maunlad na lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 8,310 total reads

 8,310 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 39,583 total reads

 39,583 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 119,107 total reads

 119,107 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 213,333 total reads

 213,333 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 273,551 total reads

 273,551 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 20,126 total reads

 20,126 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top