CBCP, nakikiisa sa pagluluksa ng Diocese of Mati

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagluluksa ng Diyosesis ng Mati sa pagpanaw ni Bishop Emeritus Patricio Alo.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles na ipagkatiwala at ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng yumaong obispo na matapat naglilingkod sa simbahan.

“I join you in this time of loss and sorrow because your dear first bishop in Diocese of Mati has passed away; in faith also, we entrust Bishop Pat Alo into the hands of the Lord that He would reward him eternal life in heaven,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Archbishop Valles ang pagiging payak at buong kababaang loob na paglilingkod ni Bishop Alo sa diyosesis na puno ng pagmamahal sa nasasakupang kawan.

Ayon pa sa arsobispo, sa loob ng tatlong dekadang pamamahala ng namayapang obispo sa diyosesis ay napalago nito ang pananampalataya at nagkakaisa ang mamamayan maging sa iba pang pananampalataya.

Batay sa anunsyo ni Bishop Abel Apigo, pumanaw ang si Bishop Alo nitong Abril 13, 2021 dahil sa karamdaman.
Si Bishop Alo ay inordinahang pari Marso 1964 habang Abril 14, 1981 naman nang itinalagang katuwang na obispo ng Arkidiyosesis ng Davao.

1984 nang maitatag ang Diyosesis ng Mati kung saan si Bishop Alo rin ang itinalagang unang obispo ng diyosesis na naglilingkod hanggang 2014.

Mensahe ni Archbishop Valles sa mananampalataya ng Mati sa pangunguna ni Bishop Apigo na magkaisa at higit pang palaguin ang mga magandang nasimulan ni Bishop Alo.

“I hope that they [diocese] would continue to be one family, one community in Mati, a community as a diocese that was started and cultivated by Bishop Alo as he served bishop there for 30 years,” ani Archbishop Valles.

Nakatakda naman sa Abril 19 ang libing ng namayapang obispo kung saan alas 10 ng umaga isasagawa ang requiem mass sa San Nicolas de Tolentino Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 9,786 total reads

 9,786 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 41,059 total reads

 41,059 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 120,496 total reads

 120,496 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 214,722 total reads

 214,722 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 274,894 total reads

 274,894 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 38,388 total reads

 38,388 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top