Share the gift of Christianity, Cardinal Quevedo sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 838 total reads

Hinimok ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang mananampalataya na patuloy ibahagi ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity in the Philippines na ginanap sa Cebu City. Sinabi ng Kardinal na ang paggunita sa ikalimang sentenaryo ay pagsisimula ng panibagong paglalakbay upang tuparin ang misyon ni Hesus.

“Rejoice in the gift and share that gift. This is not the end of the 500 years of Christianity. In fact, the beginning or the launching of the 500th year of faith. And launching would not mean anything if in our lives we don’t say ‘thank you, Lord’ and not until we share that gift,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Quevedo.

Ayon sa Kardinal, mahalagang payabungin pa hanggang sa mga susunod pang henerasyon ang biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng mga ninuno 500 taon ang nakalipas.

Nagagalak ang Kardinal sa patuloy na pagpapahayag ng mga Pilipino sa kristiyanismo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa sa buong daigdig. Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga Filipino migrants bilang misyonero. Sang-ayon din si Cardinal Quevedo sa malaking responsibilidad na ginagampanan ng mga Overseas Filipino Workers na katuwang sa misyon ng simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

“OFWs don’t go out on the streets to proclaim the word of God. They do so not by words but by example of a faithful Christian life,” ani ng Cardinal. Sa paggunita sa unang binyag na inihasik ng mga misyonerong espanyol noong 1521 halos 500 indibidwal sa Arkidiyosesis ng Cebu ang tumanggap ng mga sakramento ng simbahan na nagpapatunay sa pagiging bahagi ng sambayanan ng Diyos.

Bukod pa rito ang pinalawak na mass baptism sa iba’t ibang diyosesis sa bansa sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity. Pinangunahan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang selebrasyon noong Abril 14 sa Plaza Sugbo sa paligid ng Basilica Minore del Santo Nino de Cebu at Magellan’s Cross. Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang obispo ng simbahang katolika at mga pari mula sa karatig lalawigan ng Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 35,108 total reads

 35,108 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 132,996 total reads

 132,996 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 177,265 total reads

 177,265 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 200,374 total reads

 200,374 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 273,875 total reads

 273,875 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top