Mananampalataya, inaanyayahan sa National Day of Consecration to St. Joseph sa labor day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 767 total reads

Inaanyayahan ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang lahat ng mga mananampalataya sa diyosesis na aktibong makibahagi sa paggunita ng Simbahan sa Year of St. Joseph na idineklara ng Santo Papa Francisco ngayong taon.

Sa liham sirkular ay nanawagan sa buong diyosesis si Bishop Alminaza upang sama-samang makibahagi sa paghahanda para sa nakatakang National Day of Consecration to St. Joseph sa Mayo-uno.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang partisipasyon ng lahat upang ganap na maging makabuluhan ang nakatakdang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose lalo na sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya sa bawat isa.

Kabilang sa mga gawaing nakahanay para sa nakatakdang National Day of Consecration to St. Joseph ay ang Novena Masses sa karangalan ni San Jose mula sa ika-22 hanggang ika-30 ng Abril bilang paghahanda sa National Day of Consecration to Saint Joseph sa National Shrine of Saint Joseph sa Mandaue City, Cebu kasabay ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa sa unang araw ng Mayo.

 

Hinikayat din ni Bishop Alminaza ang aktibong pakikibahagi ng bawat pamilya sa nakatakdang Consecration of the Families sa ika-8 ng Disyembre at ang isang buong taong higit na pagpapaigting ng pananampalataya at debosyon kay San Jose na mahalaga ang papel na ginampanan sa katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagiging sandigan at tagapangalaga ng Mahal na Birheng Maria at ni Hesus na siyang tagapagligtas.

Nakasaad sa Liham Apostoliko ng Kanyang Kabanalan Francisco na may titulong “Patris Corde” ang deklarasyon ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ng Year of Saint Joseph mula Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021 bilang paggunita na rin sa ika-150 anibersaryo ng pagkakadeklara kay San Jose bilang Patron ng buong Simbahang Katolika.

Attached: San Carlos Bishop Gerardo Alminaza Circular Letter

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,463 total reads

 23,463 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 60,015 total reads

 60,015 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 286,285 total reads

 286,285 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,752 total reads

 179,752 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,536 total reads

 272,536 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top