CBCP sa mamamayan, gamitin ang kapangyarihan ng “Catholic vote” sa Midterm election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total reads

Patuloy ang panawagan ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na gamitin ang kapangyarihan ng Catholic Vote.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ito ang mismong nilalaman ng pastoral letter ng CBCP na may titulong ‘Seek the Common Good’ na inilabas noong Enero matapos ang plenary assembly.

“Ang sabi ko sa mga layko ay sundin ang sinabi ng liham ng CBCP kaya dapat gamitin natin ang vote power natin ngayon na bumoto ng mga tao na may prinsipyo na marunong manindigan. Totoo na ang checks and balances natin ay nawawala na, kaya sana sa Senate, pipili tayo ng mga tao na may prinsipyo na hindi lang sunud sunuran at nasa kamay na natin ‘yan,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng Obispo ang pagboto sa mga kandidatong may prinsipyo at paninindigan para sa kabutihan ng mas nakakarami para sa maayos na pamamalakad ng pamahalaan.

“Sinabi sa liham ngayon na ang mga layko ay kung may nakita silang pulitiko at kandidato na maayos maaari silang mangampanya doon. At yun ay bahagi ng ‘Christian commitment natin. So hinihikayat ng mga Obispo na hindi lang ang ating participation sa politics ay hindi lang non-partisan, ito ay magparticipate din ng partisan ng principle partisanship,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Naniniwala si Bishop Pabillo na sa pamamagitan nito ay maibabalik ang check and balance sa gobyerno nang maiwasan ang pagiging sunod-sunuran sa iilang nasa kapangyarihan.

Sa tala ng Commission on Elections may higit sa 60 milyon ang bilang ng mga registered voters na inaasahang makikibahagi sa halalan sa Mayo para punan ang higit sa 18 libong posisyon sa pamahalaan.

Sa panlipunang turo ng simbahan bawat layko ay tinatawagan na isabuhay ang turo ng Diyos saan mang sektor na kanilang kinaaaniban.

Mula sa kabuuang 80 milyong katoliko sa buong bansa, 99 na porsiyento ay ang mga binyagan o mga layko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 70,929 total reads

 70,929 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 119,033 total reads

 119,033 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 166,904 total reads

 166,904 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 270,851 total reads

 270,851 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 353,638 total reads

 353,638 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top