25,126 total views
Nagpahayag ng simpatya at pakikiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa French’ Bishops Conference at mga Katoliko sa France sa hindi naangkop na pagsasalarawan ng Huling Hapunan sa pagsisimula ng Paris Olympics.
Sa isinapublikong ni CEAP President Rev. Fr. Albert Delvo, ibinahagi ng organisasyon ang pagkadismaya sa mistulang pangungutya sa pananampalatayang Kristiyano na tahasang nagsantabi sa mayamang kultura at paniniwala ng mga Katoliko hindi lamang sa France kundi sa buong mundo na nakatutok sa pandaigdigang paligsahan.
“We are in solidarity with the French Bishops and empathize deeply with the people of France, who have a rich history of Catholicism. The Holy See has also expressed sadness, deploring the offense to Christians in some scenes of the Olympic opening ceremony. In our view, the performance dims the beauty and value of their cultural and religious heritage.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.
Ayon sa organisasyon, ang Olympics ay isa sanang pambihirang entablado at pagkakataon upang higit na maisulong ang pagkakaisa at pagkakapatiran sa buong daigdig ngunit nauwi sa pagkadismaya ng mga Katoliko dahil sa hindi naangkop na pagsasalarawan ng Huling Hapunan.
Iginiit ng CEAP na mahalaga ang pagkakaroon ng makabuluhan at mapagpakumbabang pakikipagdayalogo upang matugunan ang kontrobersiya at muling bigyang halaga ang katotohanan, kapayapaan at pagkakaisa na isinusulong ng pananampalatayang Kristiyano.
“The Olympic stage should unite us, celebrating the human spirit and fostering global camaraderie. However, the apparent mockery of the Last Supper has contradicted these ideals. While the opening ceremony aimed to inspire, a segment of the production has caused deep offense. The Catholic community then cannot stay silent when core religious beliefs are undermined. We must, therefore, engage in respectful dialogue and meaningful conversations in addressing the issue, upholding the values of truth, charity, and unity that the Church embodies, and celebrating the Olympic spirit and ideals.” Dagdag pa ng CEAP.
Matatandaang una ng kinundena ng French’ Bishops Conference at ilan pang mga lider ng Simbahang Katolika sa mundo ang ginawang pagtatanghal sa pagsisimula ng 2024 Olympics sa Paris noong ika-26 ng Hulyo, 2024 kung saan itinampok ang mga drag queen bilang apostol habang isang DJ naman ang gumanap na Hesus sa pagsasalarawan ng Huling Hapunan o Last Supper.