Huwag matakot gamitin ang AI

SHARE THE TRUTH

 11,618 total views

Ipinarating ni Father Ilde Dimaano sa mamamayan na huwag matakot sa paggamit ng makabagong teknolohiya higit na ng Artificial Intellegence (AI).

Ito ang mensahe ng Pari na siya ring Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications sa pagpapatuloy ng National Catholic Social Communications Convention (NCSCC).

Ayon kay Fr.Dimaano, ito ay dahil mayroong mga wasto o ligtas na paggamit sa AI na tiyak makakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay higit na ng pananampalataya.

“Napakaganda pong pagkakataon nito dahil ito ho ay isang pagkakataon na makita ng ating mga participants na hindi natin dapat katakutan ang AI, at dapat ding makita natin na napakaganda po ng mensahe ng ating Santo Papa noong 58th World Day of Communications, message niya, sabi niya, oo nga’t meron itong mga teknolohiyang ito, pero it should not tyrannize us, hindi ito dapat magpa-alipin sa atin, kaya’t dapat maging ‘listo tayo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Dimaano.

Paalala pa ng Pari na kailanman ay huwag magpaalipin sa anumang teknolohiya kung saan dapat gamitin lamang itong kasangkapan o pamamagitan tungo sa pag-unlad.

Ito ay upang mabisang magamit ang mga makabagong teknolohiya sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga Catholic Communicators tungo sa pagpapalaganap ng pananampalataya ng Diyos.

“Ito po ay hindi dapat magaalipin sa atin, at hindi dapat natin katakutan. Tayo pa rin ang dapat na manguna rito kaya dapat intindihin natin kung paanong gagamitin itong AI lalo’t higit sa efforts ng evangelization.” Ayon pa sa panayam ng Radio Veritas.

Sa tala ng CBCP-ECSC na tagapangasiwa ng gawain, 250 Social Communications Ministry personnel at Catholic media Communicators na mula sa 58 Diyosesis at anim na organisasyon ang kahalahok sa unang NCSC.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,131 total views

 4,131 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,103 total views

 23,103 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 55,768 total views

 55,768 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 60,884 total views

 60,884 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 102,956 total views

 102,956 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top