Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CEAP, nagbigay-pugay sa mga guro

SHARE THE TRUTH

 551 total views

Kinilala at binigyang pugay ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang mga guro.

Ginawa ng CEAP ang pagpupugay sa paggunita sa World Teacher’s Month simula noong ika-5 ng September hanggang October 05, 2022 at sa paggunita ng World Teachers Day sa October 05.

Ayon sa CEAP, alinsunod sa sinabi ng Kaniyang Kabanalang Francisco na ang pagiging guro ay isang misyon na pinipili ng ilan upang ibahagi ang edukasyon sa nakararami.

“CEAP lauds all our teachers for their tireless and never-ending service in providing transformative education, this is high time to recognize and commend our teachers who have been on the frontline with our students and the education sector amidst Covid 19 pandemic,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Allan Arellano – CEAP Executive Director.

Tiwala ang CEAP na pag-ibayuhin ng mga guro sa mga katolikong paaralan at institusyon ang misyon hindi lamang magturo kundi isabuhay ang katuruan ng Simbahan at ng Panginoong Hesukristo.

Ipinangako naman ng CEAP sa bawat Pilipinong guro ang suporta upang higit pang mahasa ang kani-kanilang kakakayahan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

“We are on a mission for Catholic education wherein our youth experience the world in a relationship with God; for quality education not just based on books but with critical thinking and practical mind, and for transformative education serving the common good discerned as God’s will,” ayon pa sa mensahe ng CEAP sa nalalapit na paggunita.

Batay sa talaan ng The United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), nagsimula ang paggunita ng Teacher’s Month at Teacher’s Day noong 1966.

Ito ay upang kilalanin ang trabaho ng mga guro sa buong mundo at kanilang pangangailangan sa pagtuturo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,056 total views

 12,056 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,156 total views

 20,156 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,123 total views

 38,123 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,416 total views

 67,416 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,993 total views

 87,993 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 315 total views

 315 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 6,850 total views

 6,850 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top