Cease and desist order laban sa Kaliwa dam project, ikinatuwa ng CBCP-NLSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Ikinagalak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – National Laudato Si Program (CBCP-NLSP), ang naging desisyon ng House of Representatives hinggil sa pagpapatupad ng cease and desist order laban sa New Centennial Water Source o Kaliwa Dam Project.

Sa inilabas na pahayag ng CBCP-NLSP, pinatunayan nito ang paninindigan ng simbahang katolika na ang nasabing mega-dam project ay labag sa pag-unlad na nararapat para sa kalikasan at mga nasa komunidad, partikular na ang mga katutubo.

“CBCP-NLSP reaffirms the stand of the Catholic hierarchy that the mega-dam project ‘is against inclusive development.’ The Catholic Church in the Philippines is not against development as long as it does not sacrifice the COMMON GOOD in the name of progress,” ayon sa pahayag ng CBCP-NLSP.

Nakasaad din sa pahayag na hindi dapat nasasakripisyo ang kapakanan ng mga katutubong Pilipino, komunidad at kalikasan sa pag-unlad na ang tangi lamang na makikinabang ay ang mga malalaking negosyo.

Iginiit ng komisyon na dapat na ituring ng estado ang mga katutubong Pilipino bilang mga tagapagbantay at tagapangalaga ng natitirang likas na yaman ng bansa at kanilang katutubong teritoryo laban sa mapanirang pag-unlad.

Panawagan naman ng CBCP-NLSP sa pamahalaan na bigyang-pansin at unahin ang paglulunsad ng mga programang makakatulong sa pagpapanatili ng likas na yaman ng bansa at magpapahinto sa mga proyektong nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran na apektado rin ang buhay ng bawat mamamayan.

Samantala, nanawagan din ang simbahan sa bawat mamamayan at mananampalataya na tulungan ang mga katutubong Pilipino na maipaglaban ang kanilang karapatan, maging ang karapatan ng inang kalikasan.

“The Catholic Church and its partners in the national environmental protection movement encourage Filipinos to support the plight of our indigenous peoples and uphold the Rights of Nature,” ayon sa pahayag.

Ang pahayag ng CBCP-NLSP ay nilagdaan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at Father Antonio Labiao, Convenor ng National Laudato Si Program.

Noong 2012, iminungkahi ng pamahalaan ang pagtatayo ng $235.9-million na Kaliwa Dam Project sa itaas na bahagi ng Kaliwa River Watershed na bahagi ng Sierra Madre Mountain Range.

Ang proyekto ay bahagi ng New Centennial Water Source program ng pamahalaan na sinasabing makatutulong upang mabawasan ang kakulangan sa supply ng tubig sa Metro Manila. Kung ito’y magpapatuloy, maaapektuhan nito ang aabot sa humigit-kumulang 11-libong pamilyang naninirahan sa 28-libong ektaryang lupain, gayundin ang nasa halos 300 ektaryang kagubatan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,322 total reads

 2,322 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,079 total reads

 25,079 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,640 total reads

 65,640 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,346 total reads

 92,346 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,611 total reads

 140,611 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,582 total reads

 161,582 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,939 total reads

 128,939 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top