Chairperson ng Commission on Social Action, inihalal na Diocesan administrator ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,592 total reads

Inihalal ng Board of Consultors ng Diocese of Tagbilaran si Fr. Gerardo Saco Jr. bilang diocesan administrator ng diyosesis.

Ang desisyong ito ay ipinasiya ng 12 pari na bumubuo ng board sa kanilang pagpupulong noong October 4, upang pumili ng mamumuno sa diyosesis sa panahon ng sede vacante—ang panahong pansamantalang walang nakatalagang obispo.

Si Fr. Saco ay dating vicar general ng diyosesis at kasalukuyang chairperson ng Commission on Social Action at priest-in-charge ng St. Vincent Ferrer Mission Station sa Cabawan, Tagbilaran City.

Ipinahayag ng diyosesis ang kanilang lubos na pagtitiwala sa kakayahan ni Fr. Saco na pangasiwaan ang diyosesis, batay sa kaniyang malawak na karanasan sa pampastoral na pamumuno sa iba’t ibang parokya at mga tanggapang ipinagkatiwala sa kanya.

Ang pagkakahalal sa kanya ay sumasalamin sa tiwala at pagkakaisa ng College of Consultors at sa kanilang hangaring matiyak ang tuloy-tuloy na pangangalaga at pamamahalang pastoral ng diyosesis habang hinihintay ang pagtatalaga ng bagong obispo na hahalili kay Archbishop Alberto Uy, na inilipat sa Archdiocese of Cebu noong Setyembre 30.

Hinikayat ng Diocese of Tagbilaran ang mahigit isang milyong mananampalataya na ipagdasal ang paggabay ng Espiritu Santo kay Pope Leo XIV sa pagtalaga ng bagong pastol ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 46,799 total reads

 46,799 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 93,669 total reads

 93,669 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 194,936 total reads

 194,936 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 265,113 total reads

 265,113 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 348,875 total reads

 348,875 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top