CHR, umaasang magkaroon ng pananagutan at transparency sa paggamit ng PNP ng body-worn cameras

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total reads

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na sa pamamagitan ng paggamit ng body-worn cameras ng mga kawani ng Philippine National Police ay higit na magkaroon ng pananagutan at transparency ang ahensya sa mga isasagawang operasyon sa hinaharap.

Ito ang pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia matapos na aprubahan at maglabas ng resolusyon ang Korte Suprema sa paggamit ng body-cameras ng mga pulis sa paghahain ng search warrant at iba pang operasyon.

Ayon sa CHR, sa pamamagitan ng transparency sa pagsasagawa ng operasyon ng mga pulis ay maari ding maibalik muli ang tiwala ng publiko sa ahensya.

“We have high hopes that this newly introduced technology to law enforcement and criminal justice system will result in better transparency and accountability, and thus may improve public’s trust in law enforcement legitimacy.” pahayag ni de Guia.

Pagbabahagi ni Atty. de Guia, ang paggamit ng mga pulis ng mga body-worn cameras ay hindi lamang para sa proteksyon ng mga sibilyan kundi maging ng mga kawani ng PNP na humaharap sa iba’t ibang uri ng panganib sa kanilang mga operasyon.

Nanawagan naman ang CHR sa karagdagan pang mga donasyon ng body-worn cameras para sa mga kawani ng PNP.

“CHR sees the preliminary rollout of body-worn cameras as a step towards the right direction as it serves for both the protection of citizens and our police force. At the same time, noting the limited number of body-worn cameras, we echo the call for partnerships and donations by the PNP so that more police operations may benefit from this innovation and close gaps in its implementation.” Dagdag pa ni Atty. de Guia.

Batay sa inisyal na tala ng PNP nasa 2,696 na mga body cameras na ang naipamahagi ng ahensya sa may 171-estasyon ng mga pulis sa iba’t ibang lungsod at syudad sa bansa.

Kailangan pa ng 30,000 body cameras para sa lahat ng mga estasyon ng mga pulis sa buong bansa.

Kaugnay nito, mariin ding naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 35,412 total reads

 35,412 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 71,330 total reads

 71,330 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,600 total reads

 297,600 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 191,068 total reads

 191,068 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 283,214 total reads

 283,214 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top