14,366 total views
Tinanggap ng Caritas Manila ang 600-Thousand pesos na donasyon mula Church of Jesus Christ of Latter-day Saints
sa Ayon sa Social Arm ng Archdiocese of Manila, ang donasyon ay upang maipagpatuloy ang pagpapaaral sa mga scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program.
Ang pagtutulungan din ay napatibay sa pamamagitan ng paglalagda ng Memorandum of Agreement sa Pagitan nina Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual, Apostle of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Elder Patrick Kearon kasana ang kaniyang asawa na si Sister Jennifer Kearon at Philippines Area President Elder Carlos Revillo at kaniyang asawa Sister Marie Revillo.
“The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints donates ₱600,000 to support Caritas Manila’s Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP)
On May 22, 2025, a Memorandum of Agreement was signed to formalize this generous partnership. The donation will fund the full four-year education of five YSLEP scholars, Present at the MOA signing and donation turnover were Elder Patrick Kearon, Apostle of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints; his wife Sister Jennifer Kearon; Elder Carlos Revillo, Philippines Area President; his wife Sister Marie Revillo; and Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, Executive Director of Caritas Manila,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.
Ang natanggap na halaga ay gagamitin para sa apat na tayong pag-aaral ng mga mapipiling YSLEP Scholars.
Sa kasalukuyan, limang scholars ang pinaaparaal ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa YSLEP.
Regular din ang pakikipagtulungan nila sa Caritas Manila upang masuportahan ang Caritas Damayan Programs ng Munting Pagasa at All is Well Program na pinapakain at ang mga nagugutom o batang biktima ng malnutrisyon.
“This collaboration is a testament to how different faiths can come together with one shared mission: to serve those in need as taught by Christ,” bahagi pa ng mensahe ng Caritas Manila.
Bukod sa pakikipagtulungan sa ibang relihiyon, patuloy din ang pag-aaral ng YSLEP sa mga muslim at iba pang sekta na scholars ng Social Arm.
Ito ay upang mabisang magamit ang edukasyon laban sa kahirapan kung saan mula sa limang libong scholars kada taon, umaabot sa isang libo ang napapagtapos.