Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CICL, tutulungan ng Caritas Novaliches

SHARE THE TRUTH

 3,212 total views

Malugod na tinanggap ni Father Joel Saballa mula sa Diyosesis ng Novaliches ang bagong hamon ng serbisyo matapos maitalaga bilang bagong Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches.

Nagpapasalamat din ang Pari kay Novaliches Bishop Roberto Gaa at Caritas Philippines Executive Director Father Antonio Labiao sa tiwalang ibinigay upang pamunuan ang Social Arm ng Diyosesis.

“Una po ako ay nakikiusap sa mga kapwa ko Pari at ang mga Layko ng Diocese of Novaliches na samahan po ako, hindi ko po ito eksklusibong trabaho, trabaho po natin itong lahat ito, tulungan po natin, at ang katagumpayan po ng Caritas ay katagumpayan ng ating Diyosesis.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Saballa.

Bilang bagong pinuno ng social arm ay nais pagtuunan ni Fr.Saballa ang pagbibigay ng livelihood training programs sa mga pinakamahihirap sa diyosesis at tulungan ang mga Children In-Conflict with the Law (CICL).
Ito ay upang maisabuhay ng Diyosesis ang tuluyang pagpapataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga magiging benepisyaryo.

Kasabay ito ng adbokasiya na bigyan ng espiritwal na paggabay ang mga kabataang naliligaw ng landas upang sila ay maging huwaran at handa sa kanilang muling pakikiisa sa lipunan.

“Sana magampanan ko ito ng buong puso, at buong pagpapakumbabaan, at humihingi po akong ng panalangin ng lahat ng mananamapalataya particularly sa Diocese of Novaliches para po sa misyon na ito, samahan po ninyo ako at atin pong ipalaganap ang pag-ibig sa bagong liwanag.” bahagi pa ng mensahe sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Saballa.

Kaugnay nito, patuloy ang aktibong pakikipag-ugnayan ng Caritas Philippines sa may 60 diocesan social action centers na mayroong 500 hanggang 2,500 ang mga benepisyaryo.

Bahagi sila ng mga programang nagpapakain sa buong pamilya, nagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at nagbibigay ng ibat-ibang livelihood training programs

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 32,692 total views

 32,692 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 46,751 total views

 46,751 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 65,323 total views

 65,323 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 89,934 total views

 89,934 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 14,477 total views

 14,477 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567