Pagdeklara ng SC na unconstitutional ang impeachment trial kay VP Duterte, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,725 total views

Mariing kinondena ng Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) ang desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa pahayag ng kapulungan, ang nasabing desisyon ay higit pa sa simpleng legal na hakbang sapagkat ito’y hayagang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan at pangungutya sa institusyon ng bansa.

Iginiit ng CMSP, nabigo ang Korte Suprema sa tungkuling maging sandigan ng katarungan dahil pinili nitong manahimik at umasa sa teknikal na dahilan sa halip na pairalin ang pagiging patas at tapat.

“By shielding the Vice President from a legitimate process of accountability, the Supreme Court has deepened the growing perception that the law no longer serves the poor and the powerless, but protects only those with influence, pedigree, and proximity to power,” pahayag ng CMSP.

Hinamon din ng kapulungan si Duterte na patunayan ang kanyang katapatan at kawalang sala sa halip na magtago at umasa sa mga ligal na depensa.

Binigyang-diin ng CMSP na ang pagiging lingkod-bayan ay kaakibat ng tiwalang dapat tapat na magampanan, at higit sa lahat, hindi namamana, hindi pinangangalagaan ng mga political dynasty, at hindi ligtas sa pananagutan.

Nanawagan ang mga relihiyoso at relihiyosa sa mga mananampalataya, tagapagtanggol ng katotohanan, at mga lider ng Simbahan na magbuklod para sa mapayapang paglaban sa katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan.

“As consecrated persons, we are called to be watchmen of truth, defenders of the poor, and disturbers of unjust peace… Let us walk together as pilgrims of hope, not in denial, but in defiance of darkness. Let us walk as a Church not of the powerful, but of the poor and the prophetic,” dagdag ng CMSP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 35,329 total views

 35,329 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 120,088 total views

 120,088 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 137,593 total views

 137,593 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 182,386 total views

 182,386 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 1,384 total views

 1,384 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top