Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Climate Emergency 2020 summit, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

 574 total views

Inaanyayahan ng makakalikasang grupong Living Laudato Si-Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa isasagawang virtual online seminar hinggil sa pangangalaga sa kalikasan laban sa mga mapanirang industriya ng coal-fired power plants.

Ito ay ang Philippine Interfaith Summit on Climate Emergency 2020 na gaganapin sa ika-24 ng Nobyembre mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.

Nilalayon ng virtual event na ito na pagbuklud-buklurin ang iba’t ibang pananampalataya at mga denominasyon sa bansa upang talakayin mula sa kanilang mga sariling paniniwala at tradisyon ang moralidad at espiritwalidad ng pangangalaga sa mundo sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa fossil fuels at iba pang industriya na sumisira sa kalikasan.

Katuwang dito ng grupo ang Climate Change Commission, Uniharmony Partners Manila, GreenFaith at Radio Veritas.

Kaugnay nito ay hinimok ng Kanyang Kabanalang Francisco ang mga mananampalataya at mga pribadong sektor na huwag tangkilikin ang mga kumpanyang lumilikha ng fossil fuel at iba pang institusyon na nagpapanatili sa pagbabago ng klima ng mundo.

Sinabi ng Santo Papa na ang pagbubuo ng ligtas at mahusay na energy systems batay sa pinagmumulan ng renewable energy ay posibleng makatulong sa pangangailangan ng mga nasa mahihirap na populasyon at upang mabawasan ang pag-init ng daigdig.

Ayon sa Global Carbon Project, naitala noong nakaraang taon ang mataas na antas ng carbon dioxide emmission na aabot sa 37-bilyong tonelada dahil sa demand ng langis at natural gas.

Batay naman sa catholic social teaching, bagamat pabor ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan kinakailangang ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang bawat mamamayan partikular na ang kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,208 total views

 29,208 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,192 total views

 47,192 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,129 total views

 67,129 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,026 total views

 84,026 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,401 total views

 97,401 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 43,235 total views

 43,235 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top