Hindi nagtatapos ang ating “fellowship in the Lord” sa kamatayan- Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,853 total reads

Pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang Misa para sa mga namayapang Obispo, Pari, relihiyoso at relihiyosa ng Archdiocese of Manila sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya na ipanalangin ang katuparan at kaganapan ng pagsusumikap ng lahat ng mga namayapang lingkod ng Simbahan na makarating at makasama ang Panginoon sa paraiso.

Ayon kay Bishop Pabillo, inilaan ng mga Obispo, Pari, Madre at ng mga religious men and women ang kanilang buhay at panahon upang magsilbing katuwang ng Simbahan ng pagsasakatuparan ng misyon na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

“We pray that all those our beloved dead in religion may reach the fulfillment of what they have struggled for, they have worked and they have committed themselves to the work of the church as we do now, many of them we don’t know but we are sure that the Lord has been in their lives, in the way of service during the years that they served as priests and as religious so we ask the Lord that they who have given their lives, their times and their concerns may be rewarded for their dedication…”pagninilay ni Bishop Pabillo.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang pananalangin para sa mga yumao ay isang kongretong simbolo ng walang katapusang pagkakapatiran ng mga Kristiyano bilang mga anak ng Diyos na hindi matutuldukan maging ng kamatayan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na isa rin itong patuloy na hamon sa bawat isa na maging huwaran ang katapatan at matatag na pananampalataya sa Panginoon.

“Our gathering is a sign that our fellowship in the Lord does not stop because they have died, that this fellowship continues that’s why we pray for them and we even ask for prayers and their fidelity inspire us that we also may bse faithful up to the end. So our connectivenes with those who are gone ahead of us continues and at the same time our gathering together is also a push that we remain faithful up to the end as we are praying now for our beloved dead”.dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Nauna ng pinalawig ng Vatican ang paggagawad ng plenaryo indulhensya hanggang sa buong buwan ng Nobyembre mula sa karaniwang paggawad ng indulhensya simula unang araw hanggang ika-8 ng Nobyembre.

Ang indulhensya plenaryo ay ang pagtatanggal sa parusang temporal sa mga kasalanang nagawa ng tao na maaaring matanggap sa anumang araw sa buong buwan ng sinumang bibisita sa puntod, magdarasal para sa mga namayapa at magsasagawa ng pagkakawanggawa. Sat 4:00 PM

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 40,377 total reads

 40,377 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 90,625 total reads

 90,625 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 138,496 total reads

 138,496 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 242,445 total reads

 242,445 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 326,469 total reads

 326,469 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top