ACN, tutulong sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total views

Tiniyak ng Aid to the Church in Need Philippines ang pakikiisa sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region at mga karatig lalawigan.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, handa ang sangay ng pontifical foundation ng Vatican dito sa Pilipinas na tumulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo partikular na sa pagsasaayos ng mga nasirang Simbahan at mga semaryo.

Sinabi ni Luciano na katuwang ng mga benefactors at mission partners ng ACN Philippines sa buong mundo ay makakaasa ang mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region sa tulong at suporta para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Super Typhoon Rolly.

“Patuloy pong nakikiisa sa pakikiramay ang ACN Philippines sa mga kababayan nating nasalanta ng nagdaang bagyong Rolly. Handa po ang ACN, sa pamamagitan ng aming mga bukas palad na benefactors at mission partners sa buong mundo na tumulong sa pagbangon ng ating mga kapatid sa Bicol lalo na po sa pagsasaayos ng mga nasirang Simbahan at seminaryo, tulad ng ginawa naming pagtulong sa mga kapatid natin sa Arkidiyosesis ng Palo na nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. Makakaasa ang ating mga kapatid sa Bicol na tutulong ang ACN sa kanilang pagbangong muli.” paghayag ni Luciano sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Luciano, nakikipag-ugnayan na ang ACN Philippines kay Legazpi Bishop Joel Baylon at sa Social Action Center ng diyosesis kaugnay sa pagpapaabot ng tulong para sa pagpapaayos ng mga nasirang Simbahan at seminaryo dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region.

“I have coordinated with Bishop Joel Baylon [of the Diocese of Legazpi], I informed him of ACN readiness to help for the reconstruction of their destroyed churches and the seminary. I am just waiting for communication from their social action director.” Dagdag pa ni Luciano.

Matatandaang isa ang pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need sa mga kagyat na nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas region sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Arkidiyosesis ng Palo at mga diyosesis na nakakasakop sa lalawigan na nasalanta ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 196,412 total views

 196,412 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 218,522 total views

 218,522 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 289,684 total views

 289,684 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 277,922 total views

 277,922 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top