Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Hangga’t hindi natin ituturing na emergency ang climate change, nasa bingit lagi ng peligro ang sangkatauhan. Tayo ang dahilan nito, kaya’t nararapat lamang na kumilos tayo upang ating mapigil ang patuloy na pag-init ng mundo.

Kapanalig, ayon sa United Nations, ang pagdami at konsentrasyon ng greenhouse gases o GHG sa ating kalawakan ang nag-papainit ng mundo. Ang mga GHG gaya ng carbon dioxide at methane ay bunga ng mga gawain ng tao. Ang carbon dioxide ay mula sa pagsusunog ng mga fossil fuels gaya ng krudo at langis. Ang methane naman ay mula sa coal, natural gas, at langis. By-product din ito ng agrikultura at livestock, pati ng ating mga basura.

Ang pagtaas ng temperatura ay dama na sa maraming bahagi ng mundo—ang 2020 ang pinaka-mainit na taon sa ating kasaysayan. Tumaas na ng mahigit pa sa 2 degrees Fahrenheit ang ating temperatura simula ng 1880s. Dahil sa pag-init ng mundo, 30% ng ating kabuuang populasyon ay nakakaranas na ng nakakamatay na heat waves. Sa pag-init ng mundo, umiinit din ang karagatan, na siya namang nagiging dahilan ng mga super typhoons. Mas lumalaki rin ang volume ng pag-ulan, na nagdudulot ng malawakang pagbaha.

Ayon sa United Nations, marami tayong magagawa upang mapigil ang climate change. Obligasyon nating gawin ang mga ito. Inuudyukan tayo ng Panlipunang turo ng simbahan na kumilos para sa kalikasan. Ayon sa Laudato Si, esensyal na bahagi ng ating pananalig ang responsibilidad natin para sa kalikasan at lahat ng nilikha.

Ilan sa ating maaring magawa ay ang pag-udyok sa mga highly industrialized countries na iprayoridad ang pagbaba ng kanilang emisyon sa pamamagitan ng inobasyon at makabagong teknolohiya. Kailangan din nating tiyakin na ang development ng ating mga syudad ay hindi magdudulot ng malawakang pagkawala ng ating mga natural habitats. Ang pagkalbo ng mga kagubatan, ang pagpatag ng mga kabundukan, at ang walang pakundangan pag-gamit ng mga natural na yaman mula sa kalikasan ay nag-a-ambag sa pag-init ng ating mundo.

Ang panahon ng pandemya ay isang oportunidad upang ating matiyak na ang pagbangon ng lahat ay “green” —mas mabilis at sustainable ito para sa lahat. Gamitin sana natin itong window of opportunity na ito para sa kabutihan ng sangkatauhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,296 total reads

 71,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 149,867 total reads

 149,867 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,315 total reads

 183,315 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,612 total reads

 218,612 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,236 total reads

 442,236 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 71,297 total reads

 71,297 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 149,868 total reads

 149,868 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,316 total reads

 183,316 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,613 total reads

 218,613 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top